10/07/2025
HUSTISYA PARA SA BIKTIMA NG DRUG WAR
Ito ay bilang pagsisikap na panagutin ang mga pang-aabusong may kaugnayan sa kampanya laban sa droga noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilalayon ng House Bill No. 1629, na muling inihain sa 20th Congress, na malinaw na tukuyin ang EJK bilang pagkit!l ng buhay nang walang lawful judicial process at parusahan ng habangbuhay na pagkakakulong ang public officials, state agents, o sinumang kumikilos sa ilalim ng kapangyarihan ng estado na gumawa o mag-utos ng ganitong pagp@tay.
“Extrajudicial killings defined in this bill as the taking of life without the sanction of a lawful judicial process, pose a serious challenge to democratic institutions and erode public confidence in the justice system. When perpetrators are not held accountable, impunity thrives and the most basic human rights are rendered hollow,” mababasa sa bill.
Inihain muli ang panukalang batas nina Reps. Paolo Ortega (La Union, 1st District), Bienvenido Abante Jr. (Manila, 6th District), Romeo Acop (Antipolo, 2nd District), David "Jay-jay" Suarez (Quezon, 2nd District), Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur, 1st District), Ernesto Dionisio Jr. (Manila, 1st District), Rodge Gutierrez (1-RIDER Partylist), Lordan Suan (Cagayan de Oro City, 1st District), Jay Khonghun (Zambales, 1st District), Gerville "Jinky Bitrics" Luistro (Batangas, 2nd District), at Jonathan Keith Flores (Bukidnon, 2nd District).
Personal na dumalo sa paghain ng panukala sina Ortega, Abante, Luistro, Khonghun, Adiong, Dionisio, at Suan.