Sinagtala

Sinagtala Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig
(Taguig Science High School)

Sa araw na ito, ika-5 ng Oktubre, ating pinararangalan ang mga taong tumatayong haligi ng karunungan, pag-asa, at inspir...
05/10/2025

Sa araw na ito, ika-5 ng Oktubre, ating pinararangalan ang mga taong tumatayong haligi ng karunungan, pag-asa, at inspirasyon sa bawat mag-aaral. Sila ang patuloy na nagsisilbing gabay sa ating paglalakbay tungo sa tagumpay, sa kabila ng mga pagsubok at hamon ng panahon.

Lubos na pasasalamat ang aming ibinibigay, sa walang humpay ninyong dedikasyon at sipag. Tila walang sapat na salita upang masuklian ang inyong sakripisyo at malasakit. Sa bawat aral na inyong ibinabahagi sa araw-araw, sa bawat pag-unawang inyong ipinagkakaloob, at sa bawat ngiting nagbibigay-lakas—tunay kayong huwaran ng dedikasyon at pagmamahal.

Muli, Maligayang Araw ng mga G**o!

Lapat nina Eirik Flores at Xyriel Gupong
Sulat ni Airish Capispisan

05/10/2025

PANOORIN | Masiglang ipinagdiwang ng Taguig Science High School ang ika-21 founding anniversary nito noong ika-30 ng Setyembre 2025. Tampok sa selebrasyon ang mga pagtatanghal ng talento ng mga Scientian, mula sa musika at sayaw hanggang sa pagbabalik-tanaw sa mga mahahalagang alaala ng nakaraan.

MEDALYA NG LAKAS: SinagTaek, humakot ng karangalanKamangha-mangha ang naging laban ng mga estudyanteng atleta mula sa Si...
04/10/2025

MEDALYA NG LAKAS: SinagTaek, humakot ng karangalan

Kamangha-mangha ang naging laban ng mga estudyanteng atleta mula sa SinagTaek ng Taguig Science High School matapos humakot ng mga medalya sa 2025 MAPATA Interschool Taekwondo Championships na ginanap sa Met Live Mall Met Park, Pasay City noong Septyembre 20, 2025.

Makikita sa bawat kislap ng kanilang medalya ang dugo't pawis na inalay ng mga atleta sa bawat hampas ng paa habang dala ang pangalan ng paaralan.

Bunga nito, nag-uwi ng makapigil-hiningang karangalan ang koponan:

Samantha Culaton - Gold, Poomsae
Gabrielle Pineda - Gold, Kyorugi
Vanessa Demaala - Silver Kyorugi
John Patrick C. Undaloc - Silver Kyorugi
Margarette Ison - Silver Kyorugi
Juan Estacio - Bronze, Kyorugi

Naging katuwang ng mga atleta sa kanilang tagumpay ang kanilang mga coach na sila Sir Florence Dela Cruz, JGM Rogelio Valdez, Kevin Costudio, Jimmy Culaton at Andrew Baluya.

Sa kabila ng mainit na salpukan kasama ang tatlong lungsod–Taguig, Pasay, at Makati–nagawa pa rin nilang makuha ang inaasam na medalya gawa ng kanilang sikap at dedikasyon para sa paaralan kasabay ng pagkakaroon ng disiplina at sportsmanship.

Sulat ni Janette Cendaña at Keith Lucero
Lapat nina Riyanna Morales at Eirik Flores

ANUNSYO | Alinsunod sa inaasahang epekto ng Bagyong Opong at posibleng pagbaha sa mga mababang lugar, suspendido ang lah...
25/09/2025

ANUNSYO | Alinsunod sa inaasahang epekto ng Bagyong Opong at posibleng pagbaha sa mga mababang lugar, suspendido ang lahat ng klase mula pre-school hanggang kolehiyo sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Taguig bukas, Biyernes, Setyembre 26, 2025.

Lahat ng apektadong klase ay inaasahang magsasagawa ng modular learning bilang alternatibong paraan ng pag-aaral.

‎Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa mga sumusunod na hotline ng Lungsod ng Taguig:

‎Command Center:
‎(02) 8789-3200

‎Taguig Rescue:
‎0919-070-3112

‎Taguig PNP:
‎(02) 8642-3582
‎0998-598-7932

‎Taguig BFP:
‎(02) 8837-0740
‎(02) 8837-4496
‎0906-211-0919

Manatiling ligtas, mapagmatyag, at maging handa.

ANUNSYO | Suspindido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Lungsod ng Taguig bukas, Martes, ika-23 ng S...
22/09/2025

ANUNSYO | Suspindido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Lungsod ng Taguig bukas, Martes, ika-23 ng Setyembre 2025, dahil sa patuloy na malakas na ulan na dala ng Super Typhoon Nando at banta ng pagbaha lalo na sa mga flood-prone areas.

‎Lahat ng apektadong klase ay inaatasang lumipat sa modular learning.

‎Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa mga sumusunod na hotline ng Lungsod ng Taguig:

‎Command Center:
‎(02) 8789-3200

‎Taguig Rescue:
‎0919-070-3112

‎Taguig PNP:
‎(02) 8642-3582
‎0998-598-7932

‎Taguig BFP:
‎(02) 8837-0740
‎(02) 8837-4496
‎0906-211-0919

‎Mag-ingat at manatiling ligtas. Maging alerto at laging tumutok sa mga opisyal na anunsyo.

22/09/2025

PANOORIN | HULING BUGA PARA SA SINAGLIGSAHAN 2025

Tila ba bawat hampas ng bola, bawat talon, at bawat sigaw ng suporta ay naging himig ng tagumpay. Sa court, nagtagisan ng lakas at galing ang Men’s at Women’s Volleyball Team, na nagbigay ng laban na hindi lang para sa tropeyo kundi para sa dangal ng kanilang koponan.

Sa pagtatapos, kumislap ang entablado sa seremonya ng paggawad—iba’t ibang atleta mula sa sari-saring larangan ang pinarangalan, bitbit ang medalya at ngiti ng tagumpay. Tunay na naging selebrasyon ito ng talento, disiplina, at pagkakaibigan sa larangan ng isports.

Kuha nina Cassandra Lobis, Joecelle Dacillo, at Althea Estacio

ANUNSYO | Suspendido ang lahat ng klase at trabaho sa pamahalaan sa Metro Manila at 29 probinsya bukas, Setyembre 22, 20...
21/09/2025

ANUNSYO | Suspendido ang lahat ng klase at trabaho sa pamahalaan sa Metro Manila at 29 probinsya bukas, Setyembre 22, 2025, kasunod ng babala ng NDRRMC sa epekto ng Super Typhoon ‘Nando’ at Habagat.

Mananatiling bukas ang mga ahensyang may pangunahing tungkulin tulad ng kalusugan, seguridad, at disaster response, habang papayagan namang gumamit ng alternatibong work arrangements ang ibang kawani.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang: Metro Manila, Abra, Antique, Apayao, Bataan, Batanes, Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Laguna, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Pampanga, Pangasinan, Palawan, Romblon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

SIPA NG SIKAP: Sinagtaek, sumungkit ng dalawang medalya Tumataginding na sipa at lakas ang inalay ng dalawang atleta mul...
20/09/2025

SIPA NG SIKAP: Sinagtaek, sumungkit ng dalawang medalya

Tumataginding na sipa at lakas ang inalay ng dalawang atleta mula sa Sinagtaek na sina John Patrick Undaloc at Margarette Ison matapos makakuha ng dalawang medalya sa 2025 SMART/MVPSF National Best of the Best Taekwondo Championships (Kyorugi) na ginanap sa San Andreas Sports Complex noong Septyembre 7, 2025.

Nakakuha ng bronseng medalya si John Patrick Undaloc, isang 1st Dan Black Belter, sa iskor na 11-1, habang pilak na medalya naman ang naiuwi ni Margarette Ison, isang Junior Black Belter, sa iskor na 9-5.

Naging daan ang pagiging alerto nila sa mga susunod na galaw ng kalaban at pagpapakawala ng sunod-sunod sipa sa katawan ng kalaban para makuha ang tagumpay.

Ang pagiging kalmado sa unang round at biglang pagbibitaw ng malalakas na sipa, lalo na sa ulo ng kalaban, kinalaunan sa ikalawang round ng laro naman ang ginamit nilang stratehiya sa laban.

Matapos mag-uwi ng medalya nagsaad ng mensahe ang dalawang atleta.

"I would say that my win is very comforting because my trainings paid off. However I gotta admit that I still have a huge room for improvement. I hope that I can reach greater heights in the world full of taekwondo," ani ni Undaloc.

"Everything happens for a reason and in God's plan," saad naman ni Ison.

Bago pa man sumabak sa laban, dumaan muna sila sa maraming pagsasanay sa ilalim ng gabay ng kanilang coach na sina Rogelio Valdez at Jimmy Culaton.

Sulat nina Janette Cendaña at Keith Lucero
Lapat ni Eirik Flores

TINGNAN | Masigasig na sinimulan ang palarong Women's and Men's Volleyball Match ng ikapitong araw sa mga walang humpay ...
18/09/2025

TINGNAN | Masigasig na sinimulan ang palarong Women's and Men's Volleyball Match ng ikapitong araw sa mga walang humpay na hampas at spikes ng Sinagligsahan noong ika-10 ng Setyembre 2025.

Kuha nina Elzo Santos, Justin Jardinel, at Alissa Coballes

TINGNAN | Dugo't pawis ang inalay ng mga manlalaro matapos ipagpatuloy ang Game 2 at 3 ng badminton, chess, at table ten...
18/09/2025

TINGNAN | Dugo't pawis ang inalay ng mga manlalaro matapos ipagpatuloy ang Game 2 at 3 ng badminton, chess, at table tennis sa ikaanim na araw ng Sinagligsahan 2025 noong ika-9 ng Setyembre.

Kuha ni Alissa Coballes

TINGNAN | ‎Mainit ang naging bakbakan sa court kung saan lumipad para sa pagkapanalo ang bawat koponan ng Women's and Me...
18/09/2025

TINGNAN | ‎Mainit ang naging bakbakan sa court kung saan lumipad para sa pagkapanalo ang bawat koponan ng Women's and Men's Volleyball sa Sinagligsahan 2025 noong ika-11 ng Setyembre.

Kuha ni Althea Estacio
Sulat nina Keith Lucero at Janette Cendaña

TINGNAN | Sa kabila ng pabago-bagong kondisyon ng panahon, masiglang ginanap ang mga palaro gaya ng volleyball, chess, a...
17/09/2025

TINGNAN | Sa kabila ng pabago-bagong kondisyon ng panahon, masiglang ginanap ang mga palaro gaya ng volleyball, chess, at badminton (men’s at women’s games) sa ikaapat na araw ng Sinagligsahan 2025 na idinaos sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Taguig noong ika-6 ng Setyembre 2025.

Kuha nina Althea Estacio, Justin Jardinel, Marian Corre, at Elzo Santos

Address

Taguig Science High School, Barangay San Miguel
Taguig
1630

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sinagtala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share