20/10/2025
                                            😷 PhilHealth: Para Saan Pa Ba ang Binabayaran Natin? 💸
Honestly, I can’t even remember how long I’ve been a PhilHealth member. Parang forever (dito ko pala sya mahahanap ❤️) na buwan-buwan may kaltas sa sahod, tahimik lang akong nagbabayad. Actually now ko lang naisipan i-check magkano monthly ko. I never questioned it. I thought, okay lang ‘yan, at least may security ako someday kapag nagkasakit ako.
Well… that “someday” finally came this week.
Na-admit ako sa St. Luke’s dahil sa high-grade fever na akala ng doctors ay dengue. I stayed there for five days — tests, treatment, confinement, lahat. Buti na lang may HMO benefit ang company namin, kaya malaking tulong ‘yon. Still, I was hopeful na kahit papano, may ambag si PhilHealth sa bill. After all, matagal na akong nagbabayad faithfully, di ba?
Pero ayun na nga — out of a ₱122,787 hospital bill, ₱5,460 lang ang sinagot ng PhilHealth. 😤
₱5,460. Sayang, konti na lang 5% na. Partida, sabi sa billing, tumaas na nga daw yan ng 50%! Eh di WOW!
Grabe, parang ang sakit. I wanted to crawl back sa hospital bed. 
You spend years contributing, believing that this system will have your back when you need it most… only to realize na halos wala pala talaga. Nakakainis, nakakafrustrate, at nakakadismaya.
You start to wonder — saan napupunta lahat ng kontribusyon natin?
Bakit ganito kaliit ang nakukuha ng mga ordinaryong miyembro kapag sila na ang nangangailangan?
PhilHealth is supposed to be our safety net — a public trust built on the promise of healthcare for all. Pero sa totoo lang, mas mukha na siyang koleksyon agency kaysa sa tunay na tulong sa mamamayan.
We deserve better than this. 💔
Kung buwan-buwan tayong nagbabayad, the least we deserve is a system that actually works when it matters most — hindi ‘yung loose change lang ang ibinabalik sa atin pagkatapos ng taon-taong tiwala.