Ang Dakila

Ang Dakila Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng President Diosdado Macapagal.

โ€Ž๐— ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐——๐—จ๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก, ๐——๐—ข๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿโ€Žโ€ŽInaanyayahan ng Kagawaran ng Filipino na makibaha...
29/07/2026

โ€Ž๐— ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐——๐—จ๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก, ๐——๐—ข๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ
โ€Ž
โ€ŽInaanyayahan ng Kagawaran ng Filipino na makibahagi sa paparating na Book Donation Drive sa paaralan. Hinihikayat ang bawat magulang at mag-aaral na makiisa sa aktibidad na magsisimula sa ika-3 ng Agosto.
โ€Ž
โ€ŽMaaring magbigay ng English o Filipino na libro na hindi karaniwang ginagamit sa loob ng inyong tahanan. Ang bawat aklat na inyong ibabahagi ay magsisilbing ilaw at gabay upang higit pang malinang ang kakayahan sa pagbasa at mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral.
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“ Lugar: PDMHS Ground
โ€Ž
โฐ Oras: 9:00 AM โ€“ 2:00 PM
โ€Ž
โ€ŽLayunin nitong mapatibay ang ugnayan ng tahanan at paaralan tungo sa pagkatuto, mapalakas ang pakikipagtulungan ng bawat magulang sa mga programa at gawaing pang-edukasyon.
โ€Ž
โ€ŽPara sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring lapitan si Gng. Lovely Angeli Pioquintoโ€”Filipino Reading Coordinator ng paaralan.
โ€Ž
โ€ŽMalugod naming inaabangan ang inyong pakikiisa sa makabuluhang layuning ito. Nawa'y maging simbolo ito ng pagtutulungan, malasakit, at paglilingkod ng bawat isa para sa karunungan.

โ€Ž๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ!โ€ŽMula sa ipinakitang husay at kahandaan sa isinagawang screening...
20/07/2026

โ€Ž๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ!
โ€Ž
Mula sa ipinakitang husay at kahandaan sa isinagawang screening, matagumpay ninyong napatunayan na ang determinasyon at pagsisikap ay may kaakibat na bunga.

Magsilbi itong panibagong simula upang higit pang malinang ang inyong kakayahan at mapaunlad ang inyong mga talento.
โ€Ž
โ€ŽMalugod namin kayong binabati sa mahalagang tagumpay na ito. Nawa'y maging gabay ninyo ang kahusayan, integridad, at paglilingkod sa bawat hakbang ng inyong paglalakbay.

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Higit 80 kalahok, dumalo sa screening ng "Ang Dakila"โ€ŽLumahok ang mahigit walumpong estudyante mula sa Presiden...
15/07/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Higit 80 kalahok, dumalo sa screening ng "Ang Dakila"

โ€ŽLumahok ang mahigit walumpong estudyante mula sa President Diosdado Macapagal High School (PDMHS) sa ginanap na screening ng โ€œAng Dakilaโ€ upang paghandaan ang nalalapit na School Press Conference, matagumpay naman nitong naidaos ang nasabing kaganapan nitong Miyerkoles, Hulyo 15, 2026.
โ€Ž
โ€ŽAyon kay Christian Mandap, Punong Patnugot ng Ang Dakila, paghahanda ito para sa darating na patimpalak sa Setyembre at layunin nilang mahubog ang husay ng mga estudyante sa larangan ng pagsulat at pagguhit.
โ€Ž
โ€Žโ€œNais din po naming kumuha ng mga mahuhusay na mayroong potential po na maging kasapi ng opisyal na Filipino Journalism sa Diosdado,โ€ dagdag ni Mandap.
โ€Ž
โ€ŽSamantala, magkakaroon naman ng matinding pagsasanay ang mga estudyanteng mapipili.

โ€Ž๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐——๐˜†๐—ผ๐—ฟ๐—ป๐—ผ!โ€Žโ€ŽInaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral na may husay at hilig sa...
05/07/2026

โ€Ž๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐——๐˜†๐—ผ๐—ฟ๐—ป๐—ผ!
โ€Ž
โ€ŽInaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral na may husay at hilig sa larangan ng Dyorno na makilahok sa gaganaping Screening sa Biyernes, ika-10 ng Hulyo.
โ€Ž
โ€ŽKung ikaw ay may kakayahan sa pagsulat, pagguhit, pagkuha ng larawan, pagdidisenyo, o iba pang larangan ng pamamahayag, ito na ang iyong pagkakataong maipamalas ang iyong talento at maging bahagi ng opisyal na pangkat ng mga mamamahayag ng paaralan.
โ€Ž
โ€ŽBukas ang screening para sa Collaborative Desktop Publishing (CDP), Online Desktop Publishing (ODP), at mga Indibidwal na kategorya.
โ€Ž
โ€ŽSa mga nagnanais makilahok, mangyaring sagutan ang paunang aplikasyon sa ibaba:
โ€Ž
โ€Žhttps://forms.gle/T2XFbf6FyReK8H3c7
โ€Ž
โ€ŽIto na ang iyong pagkakataon, upang isulat ang katotohanan. Ibahagi ang mahahalagang kuwento at ipakita ang iyong husay. Sama-sama nating itaguyod ang dakilang kahusayan sa pamamahayag!

Pagbati sa ating mga dakilang dyorno! Malugod naming ipinagmamalaki ang mga dyornong sumabak at nagtagumpay sa tagisan n...
06/12/2025

Pagbati sa ating mga dakilang dyorno!

Malugod naming ipinagmamalaki ang mga dyornong sumabak at nagtagumpay sa tagisan ng pagsulat at boses para sa katotohanan sa naganap na Division Schools' Press Conference (DSPC) nitong nagdaang ika-27 hanggang 30 ng Nobyembre at ginawaran ng karangalan nitong ika-5 ng Disyembre 2025.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜‚๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ | Jay Anne Villahermosa, 1st Place | Trainer: Romeo Lucero Jr.
๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ฒ๐—ธ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ฎ | John Rich Encarnacion | Trainer: Jenifer O. Tosco

๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐˜€๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ฝ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด | Trainer: Davy Jones Austria
Jel Campos
Athena Arevalo
Cyra Joy Bermudez
John Marco Abapo
Christian Mandap
Jillian Panangon
Adrian Jerome Denum

๐—ข๐—ป๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐˜€๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ฝ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด | Trainer: Frenie Macaraeg Ubiรฑa
Jotham Padua
Ma. Carla Venice Andog
Roxanne Dale Escullar
John Vincent Amado
Cyrus Jireh Dullas

๐—ฅ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ผ ๐—•๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฐ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ๐˜๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด | Trainer: Jhony Ombid
Matthew Ivan R. Manzano
Ryanne Zandra L. Reyes
Dyrin Xyrelle J. Ramos
Tricia Lorraine A. Perez
Gabrielle Santino R. Cabarce
Angel Rose P. Ballares
Jaycel Mae B. Anobling

Taos-puso rin naming ikinararangal ang kahusayan ng mga lumahok at tumanggap sa hamon ng dyornalismo, na nagwagayway sa pangalan ng ating mataas na paaralan.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป | John Vincent Baldon | Trainer: Reinalyn J. Ganan
๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ผ๐—น๐˜‚๐—บ | Ana Rose Mendoza | Trainer: Michelle Angela G. Pornea
๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—น | Camille Reyes | Trainer: Mary Grace M. Reotiras
๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜€ | Edgar Pacleb Jr. | Trainer: Magdalena B. Ocado
๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—ป | Ma. Ysabhelle Armea | Trainer: Marisa M. Tuscano
๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ต๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—น | Mary Michellin Aloba | Trainer: Lovely Angeli Alvez-Pioquinto
๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ | Lovely Leano | Trainer: Cresenciano G. Liwagon Jr.
๐— ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐—บ | Gabriel Mendoza | Trainer: Reinalyn J. Ganan

Ito ay bunga ng hindi matatawarang dedikasyon, prinsipyo, at talino. Nawa'y magsilbi ang mga tagumpay na ito upang magbaga ang apoy ng dyornalismo sa puso ng mga mag-aaral at mamayagpag ang katotohanan sa mundong kasalukuyan.

Buhay ang dyornalismo sa Dado!

| Kapsyon ni Cyra Joy Bermudez
| Grapiko ni Adrian Jerome Denum

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | NSED kontra โ€œThe Big Oneโ€, nilahukan ng PDMHSMatagumpay na nakibahagi ang President Diosdado Macapagal High Sch...
08/11/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | NSED kontra โ€œThe Big Oneโ€, nilahukan ng PDMHS

Matagumpay na nakibahagi ang President Diosdado Macapagal High School (PDMHS) sa ginanap na 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), sa tulong ng pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Barangay Katuparan upang palakasin ang kahandaan ng pampublikong paaralan sa posibleng sakuna.

Pinangunahan ni G. John Ray Mendoza, School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM) Coordinator, ang nasabing drill katuwang ang ibaโ€™t ibang organisasyon ng paaralan upang matiyak ang maayos at ligtas na pagsasagawa nito.

Sa panayam kay G. Rodolfo Bedejo, Barangay Security Force Assistant Team Leader, kanyang sinabi na isinagawa ang earthquake drill upang masig**o ang kahandaan ng lahat sakaling tumama ang hindi inaasahang โ€œThe Big Oneโ€ na tinatayang aabot ng 7.2 magnitude.

โ€œPero kung sakali mang tumama, siyempre, handa ang buong barangay sa anumang posibleng mangyari,โ€ pagbibigay-diin ni G. Bedejo.

Samantala, naglaan ang pamunuan ng Barangay Katuparan ng mga ambulansya, medic, at responders para sa isinagawang earthquake drill ng paaralan na ginanap nitong Huwebes, Nobyembre 6, ganap na alas-nuwebe ng umaga.

| Sulat ni Athena Arevalo
| Larawan ni John Vincent Baldon
| Grapiko ni Adrian Jerome Denum

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Mga kinatawan ng clubs, SPTA, Alumni, opisyal nang nanumpa ng katungkulanPormal nang nanumpa at kinilala ang ba...
05/10/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Mga kinatawan ng clubs, SPTA, Alumni, opisyal nang nanumpa ng katungkulan

Pormal nang nanumpa at kinilala ang bawat opisyales mula sa ibaโ€™t-ibang organisasyon, School Parents-Teachers Association (SPTA), at Alumni Association ng President Diosdado Macapagal High School (PDMHS) bilang bigyang bisa ang kanilang pamumuno at maisulong ang aktibong partisipasyon sa mga gawaing pampaaralan.

Binigyang punto ni G. Ferdinand Delgado, Punong-G**o ng paaralan, sa kanyang pambungad na pananalita ang importansya ng pagkakaisa at sama-samang pananagutan sa isang samahan.

โ€œBe a good leader, be a good example to your colleagues,โ€ dagdag pa ni G. Delgado.

Nagbahagi rin ng makabuluhang mensahe at suporta para sa mga batang lider ang mga kagalang-galang na opisyal mula sa Lungsod ng Taguig, kabilang dito sina Konsehal Eduardo Prado, Konsehal Danilo Castro, Konsehala Marisse Balina-Eron, Konsehala Bing Villamor, Konsehala Iony De Lara-Bes, Konsehal Edgar Baptista, at SK Chairman Jerome Paolo Gonzales.

Pinangunahan naman ni Konsehala Marisse Balina-Eron ang sabayang panunumpa ng bawat lider na isinagawa sa PDMHS school grounds nitong Sabado, Oktubre 4.

Dinaluhan ang nasabing mahalagang seremonya ng mga mag-aaral, g**o, magulang, alumni, non-teaching staff, at mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan.

Samantala, nagsilbing simbolo ang seremonya ng pagkakaisa, pagtitiwala, at responsibilidad na kailangang gampanan ng bawat opisyal sa kanilang bagong papel sa paaralan.

| Sulat ni Athena Arevalo
| Larawan ni Jel Campos
| Grapiko ni Adrian Jerome Denum

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | PDMHS, isinagawa ang Card Distribution para sa unang bahagi ng semestreMatagumpay na naipamahagi ng mga g**o sa...
13/09/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | PDMHS, isinagawa ang Card Distribution para sa unang bahagi ng semestre

Matagumpay na naipamahagi ng mga g**o sa President Diosdado Macapagal High School (PDMHS) ang inaasahang report card ng mga mag-aaral para sa unang kwarter ng taong 2025.

Ginanap ang nasabing Card Distribution nitong Sabado, ika-12 ng Setyembre sa ganap na oras na 8:00-9:00 ng umaga para sa mga baitang 8, 10, 12 at 10:00-11:00 ng umaga sa baitang 7, 9, 11.

Ayon kay G. Lucero, tagapayo ng pangkat gold mula sa baitang 12 (STEM), naging matagumpay para sa kaniya ang naganap na Card Giving, nagalak ang mga magulang sa perfomance ng kanilang mga anak sa 1st quarter, at walang naging problema sa mga magulang ng kaniyang advisory class.

"Para sa akin, ang naging highlight talaga ng Card Giving ay makita ang kagalakan ng mga magulang para sa kanilang mga anak, sabi ko nga sa kanila, ang kaligayahan niyo po ang tunay na award ng mga anak niyo dahil naniniwala po ako na alay po nila sa inyo ang kanilang pagsusumikap,โ€ malugod na ani ng g**o.

Kasabay nito, isinagawa na rin ang paggawad ng sertipiko ng karangalan sa ilang baitang at pangkat sa paaralan.

Sa kabilang banda, nagsilbi ring pagpupulong ng mga g**o at magulang patungkol sa mga kaganapan ng kanilang mga anak sa eskwelahan ang naturang kaganapan.

| Sulat ni Cyra Joy Bermudez
| Photo courtesy: Ginoong Lucero
| Grapiko ni Adrian Jerome Denum

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ARAL program, pinagtibay ng DepEd Pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang programang Academic Recover...
11/09/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ARAL program, pinagtibay ng DepEd

Pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang programang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) sa isinagawang dalawang araw na pagsasanay para sa mga g**o upang tiyakin ang kahandaan at kakayahan ng mga tagapagturo sa epektibong pagpapatupad ng programa sa kani-kanilang paaralan.

Ayon kay G. Davy Austria, G**o ng Filipino sa President Diosdado Macapagal High School (PDMHS), ipinatupad ang ARAL upang pahalagahan ng bawat mag-aaral ang pagbabasa at tugunan ang krisis sa pagkatuto na kinahaharap ng bansa.

โ€œNilalayon ng nationwide implementation ng ARAL na pataasin ang kalidad ng pagbasa para sa mga estudyante,โ€ pagbibigay-diin ng g**o.

Aktibong nakilahok naman ang kaguruan mula sa PDMHS, na kinabibilangan nina G. Austria, Gng. Datul, at Gng. Tosco, sa pagsasanay na isinagawa sa Benigno "Ninoy" Aquino High School noong Setyembre 9 at 10.

Samantala, inaasahan na magdudulot ng positibong resulta para sa mga mag-aaral at sa sistema ng edukasyon sa bansa ang naging implementasyon ng programa.

| Sulat ni Athena Arevalo
| Grapiko ni Adrian Jerome Denum

Address

8th Street Brgy. Katuparan, GHQ Village
Taguig
1630

Opening Hours

Monday 6am - 6pm
Tuesday 6am - 6pm
Wednesday 6am - 6pm
Thursday 6am - 6pm
Friday 6am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Dakila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category