12/12/2025
REP. ABANTE, BALAK IMBESTIGAHAN ANG UMANO'Y KONEKSYON NI VP SARA SA POGO AT SA BAWAL NA GAMOT
Balak ni House Committee on Human Rights chairperson at Manila Rep. Benny Abante na imbestigahan ang umano'y koneksyon ni Vice President Sara Duterte sa POGO at sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Sa kanyang pahayag, nanawagan din si Abante sa Office of the Ombudsman at sa mga miyembro ng House of Representatives na suportahan ang nasabing imbestigasyon.
Matatandaang ibinunyag ng isang Ramil Madriaga ang umano'y koneksyon ni Duterte sa mga iligal na aktibidad na umano'y nagpondo sa kanyang kandidatura noong 2022.
“These are serious allegations and are all contained in a sworn affidavit. Napakadetalyado ng mga kwento ni Madriaga. We need to investigate this thoroughly if there is any truth to any of his claims,” ani Abante.
Ayon kay Abante, konektado umano sa national security ang mga alegasyon ni Madriaga kaya naman mahalaga na imbestigahan ito.