05/02/2025
Shout-out sa mga niloko👋
sa mga mahihilig sa chismis at maraming oras
basahin nyo na lang to HAHAHAHAHAHA
‘ANG KWENTO NINA TITSER CHEATER AT “MY MARILAG” KABET’
Narito ang summary ng trending na post ni Abigail Sobreo tungkol sa kanyang boyfriend na niloko siya. Para mas malinaw, ito ang timeline ng mga pangyayari:
(Timeline ng Panloloko ni Sir Cheater)
Nobyembre 23, 2023– Nagsimulang maghinala si girl matapos niyang makita ang TikTok ng kanyang boyfriend kasama ang katrabaho nitong babae.
Nobyembre 24 – Kinausap niya ang boyfriend ng babae since magkakilala sila, at humingi ito ng pasensiya sa kaniya.
Nobyembre 25 – Nag-message ang babae gamit ang account ng kanyang boyfriend at sinabing trabaho lang ang namamagitan sa kanila—pero mukhang "tinatrabaho" na rin nito ang bf niya.
Nobyembre 26 – Humingi ng tawad si boyfriend at nangakong magbabago. Nagpahinga muna si girl, ngunit nagkabalikan rin sila makalipas ang isang linggo.
Disyembre 1 – May parinig mula sa mga katrabaho ni kabet tungkol sa relasyon nila ni Sir Cheater, pero pinatawad pa rin siya ni girl.
Enero 7, 2025 – Monthsary sana nila, pero nauwi sa matinding away. Pinalayas niya si boyfriend, pero hindi na siya kinausap pagkatapos.
Enero 8 – Pinuntahan ni girl si boyfriend para magkaayos, ngunit humingi lang ito ng "space."
Enero 15-17 – Muling sinubukang makipag-usap ni girl, pero gusto pa rin ni Sir Cheater ng space.
Enero 30 – Sa isang retreat, nakita ni girl na suot ni kabet ang jacket ng kanyang boyfriend. Dito na siya nagsimulang magduda.
Pebrero 3 – Nahuli niyang magkasama sa faculty room ang dalawa. Sa halip na magkaayos, tuluyan na siyang iniwan ni Sir Cheater para kay kabet sa harap pa ng magulang ni bf.
Kalaunan, nadiskubre ni girl ang kanilang palitan ng mensahe—nagpapalitan na sila ng "I love you" at nalaman niyang hinahatid-sundo pa ni Sir Cheater si kabet gamit ang motor na siya mismo ang nagbayad. Tapos "My Marilag" ang tawag ni Sir Cheater kay kabet, kasalanan mo ‘to Dionela Ngunit kahit nagmamahalan na sina Cheater at Kabet, si girl pa rin ang nasa cover photo at bio ni Sir Cheater sa Epbi.
Lakas ng amats mo, Sir Cheater! Naghanap ka pa kasi ng exotic animal e. 🙄