22/06/2026
Darating talaga sa punto na magkakamali ka.
Kaya kung feeling mo pinagtatabuyan ka ng buong mundo dahil sa mga mali mo, hindi ganun yun.
Hinuhubog ka lang para maging mas malakas.
Kahit yung mga taong tinitingala natin ngayon, nagkamali rin nang maraming beses. Ang pinagkaiba lang, tinanggap nila na parte yun ng proseso.
Kaya tigilan mo na kakasisi sa sarili mo.
Parte yan.
Hindi ka matututo kung hindi ka magkakamali.
At kadalasan, yung mga pagkakamaling pinakaayaw mong nangyari, yun pa yung magtuturo sayo ng mga aral na kailangan mo.
Yung mga mali mo ngayon, baka yan pa yung humuhubog sayo para maging mas malupit balang araw. 💪⚔️