
30/07/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Sa unang pakikinig, ang kantang โHandogโ ni Florante ay parang isang simpleng awit ng pasasalamat. Pero kung pakikinggan nang mas mabuti, makikita na isa pala itong taos-pusong liham para sa mga taong tumulong at naniwala sa kanya. Mula sa hirap ng buhay at panahong halos walang pumapansin sa kanyang musika, ikinuwento niya kung paano siya nakarating sa kanyang mga pangarap dahil sa suporta ng iba. Sabi nga niya sa kanta, โ๐๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ, ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ต๐ข ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ช๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ,โ isang tapat at taos-pusong pasasalamat sa mga naging bahagi ng kanyang tagumpay.
Ang awiting ito ay angkop sa pagdiriwang ng Linggo ng Musikang Pilipino dahil ipinapakita nito ang ugali nating mga Pilipino na marunong lumingon sa pinanggalingan. Ipinapaalala nito na ang musika ay hindi lang pampasaya, kundi isa ring paraan ng pagbabahagi ng kwento, damdamin, at alaala. Ang linyang โ๐๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ข๐ต ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ข๐ด ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฌ๐ฐ, ๐ฏ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต ๐ฎ๐ข๐บ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ธ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ช๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ญ๐ข,โ ay nagpapahiwatig na kahit mawala siya balang araw, ang kanyang musika ay mananatili sa puso ng kaniyang mga tagapakinig. Ang kanta ay nagsisilbing alaala ng pinagsamahan, na kahit sandali lang ang pagkikita, ito ay may kabuluhan.
Bilang isang Marianista, tinuturuan tayong maging mapagpakumbaba, marunong magpasalamat, at handang magbahagisa kapwa. Ang โHandogโ ay isang paalala na kahit anong tagumpay ang makamit natin, dapat nating ialay ito pabalik sa Diyos, sa ating kapwa, at sa ating komunidad. Tulad ni Florante, maaari rin nating gamitin ang ating talento sa pagsayaw, pagkanta, paglilingkod, o simpleng kabutihan bilang handog sa iba. Sa tuwing ipinagdiriwang natin ang Musikang Pilipino, nawa'y maaalala nating gamitin ang sining hindi lang para ipakita ang galing, kundi para ipadama ang puso ng isang tunay na Pilipino at isang tunay na Marianista.
Via | ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ข๐๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐
Layout | ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐ ๐ธ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ข
๐๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ท๐ข๐ฏ๐ต. ๐๐ฆ๐ญ๐ช๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ. ๐๐ฆ๐ด๐ฑ๐ฐ๐ฏ๐ด๐ช๐ท๐ฆ.