DXED 1224Khz Radyo Agila Tagum City

DXED 1224Khz Radyo Agila Tagum City For More News & Updates Please Follow, Like & Share DXED 1224khz Radyo Agila Tagum City. Eagle Broadcasting Corporation, Mabilis, Malakas, Pumapagaspas!

(News, Drama and Edutainment)

PANOORIN: Patay ang isang lalaki habang natutulog sa loob ng kaniyang bahay nang mabangga ng isang pick-up truck sa Brgy...
15/07/2025

PANOORIN: Patay ang isang lalaki habang natutulog sa loob ng kaniyang bahay nang mabangga ng isang pick-up truck sa Brgy. Venus, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte, noong Hulyo 14.

Pagkatapos nitong bumangga sa bahay, bumaligtad at dumausdos ito sa bangin kung saan sugatan ang tatlong sakay nito.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa naging insidente. | via Ely Dumaboc

📹: Contributed video

15/07/2025
Patay na nang matagpuan si alyas “Ricky” na nagtamo ng tama ng baril sa katawan sa Malimono, Surigao del Norte. Nagwawal...
15/07/2025

Patay na nang matagpuan si alyas “Ricky” na nagtamo ng tama ng baril sa katawan sa Malimono, Surigao del Norte.

Nagwawala umano si “Ricky” sa isang anniversary party nang komprontahin ito ng suspek na si alyas “Sherwin.” Umuwi sandali si “Ricky” at bumalik na may bitbit na dalawang itak, pagkatapos ay tinaga sa tiyan at braso si “Sherwin.”

Agad rumesponde ang pulisya at nadiskubre ang katawan ni “Ricky” na may tama ng baril at tanging si “Sherwin” lamang ang kasama nito.

Itinuring na suspek si “Sherwin” at nahaharap sa kasong Homicide. | via Jabes Juanite

📷: Sandigan Lauron Joshua

15/07/2025

STATE OF EMERGENCY SA NEW JERSEY

TINGNAN: Isinailalim sa state of emergency ang New Jersey sa Estados Unidos kasunod ng malalakas na pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha, ayon kay Governor Phil Murphy ngayong Martes, Hulyo 15 (Lunes, New Jersey time).

📷: GovMurphy / X

15/07/2025

NEWS UPDATE: Natapos na ng Land Transportation Office (LTO) ang produksyon ng kabuuang 5,445,720 plaka para sa mga motorista sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, sinisimulan na ng ahensya ang paghahatid ng mga plaka sa mga rehiyon upang agarang maipamahagi ang mga ito sa mga District Offices.

15/07/2025

TINGNAN: Kinumpirma ng Philippine Space Agency na maaaring may nahulog na mga debris mula sa inilunsad na Long March 7 rocket, kaninang ala-5 ng umaga ng Hulyo 15, mula sa People’s Republic of China.

Maaari umanong nahulog ito sa mga katubigan na malapit sa Bajo de Masinloc, Cabra Island, Occidental Mindoro, Recto Bank, at Busuanga sa Palawan.

Binabalaan ang mga residente na huwag hahawakan ang anumang debris dahil maaaring magdulot ito ng sakit.

📷: Philippine Space Agency

15/07/2025

OIL PRICE HIKE, EPEKTIBO NA!

Tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo epektibo ngayong Martes, Hulyo 15.

Ito ay dahil sa mataas na demand sa world market. Nakaapekto rin ang pag-atake ng Houthi rebels sa shipping vessels na nagde-deliver ng krudo.

15/07/2025

Suspendido ng 90 araw ang lisensya ng isang bus driver ng Kersteen Joyce Transport matapos makuhanan sa isang video na gumagamit ng cellphone na umano’y online gambling, habang nagmamaneho sa Cavite.

Umani ito ng batikos matapos magreklamo ang mga pasahero na muntik nang maaksidente ang bus.

Ipinatawag na rin ng LTO ang driver at ang may-ari ng naturang bus company upang magpaliwanag hinggil sa insidente.

15/07/2025
15/07/2025
 : Gihatud na saiyang hingpit nga kapahulayan ang 19-anyos nga si Sophia Marie Coquilla. Hulyo 15, 2025.Si Sophia ang wa...
15/07/2025

: Gihatud na saiyang hingpit nga kapahulayan ang 19-anyos nga si Sophia Marie Coquilla. Hulyo 15, 2025.

Si Sophia ang walay kaluoy nga gipatay sa upat ka mga suspetsado nga misulod sailang panimalay sa La Filipina, Tagum City, Davao del Norte. Hulyo 9.



DXED 1224Khz Radyo Agila Tagum City
@highlights

 : As of 2:00 AM today, 15 July 2025, Tropical Depression (formerly LPA 07e) still being monitored outside the Philippin...
14/07/2025

: As of 2:00 AM today, 15 July 2025, Tropical Depression (formerly LPA 07e) still being monitored outside the Philippine Area of Responsibility (PAR).

All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA.

Source: DOST-PAGASA



DXED 1224Khz Radyo Agila Tagum City
@highlights

Address

Tagum City

Telephone

+639127301274

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXED 1224Khz Radyo Agila Tagum City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DXED 1224Khz Radyo Agila Tagum City:

Share