14/07/2025
Hindi porket ikaw ang pinaka-matagal, pinaka-mabilis, o pinaka-magalang sa kusina, leader ka na.
Kung gusto mong tumayo bilang tunay na leader sa kusina,
eto ang tatlong ugali na hindi pwedeng mawala sa'yo.
1. Accountability
Hindi mo puwedeng sabihin, “Kasalanan nila ’yan.”
Kasalanan mo ’yan, kasi ikaw ang namumuno.
Kung may sablay, inaako mo. Kung may mali, inaayos mo.
Kasi kung ikaw nga takot tumanggap ng mali,
paano pa ang team mo?
2. Service
Kailangan makita ng team mo kung bakit ikaw ang nasa pwesto.
Hindi lang para sa customer ang serbisyo mo
naglilingkod ka rin sa team mo, sa kumpanya mo,
at higit sa lahat, sa sarili mong standards.
Kasi leadership is not about control, it’s about care.
Kung hindi ka marunong magpakita ng malasakit,
wag mong asahan na susundan ka nila.
3. Problem Solver
Sa kitchen, araw-araw may aberya.
Kulang sa ingredients, sabay-sabay ang orders, may hindi pumasok. Ang tunay na leader, hindi naghihintay ng sagot, naghahanap ng solusyon.
Kasi kapag hindi ka sanay magdesisyon at mag-adjust, lalabo ang sistema. Ang team mo naghihintay ng direksyon, hindi ng sermon.
If you take ownership, serve with heart,
and solve problems without excuses
you’re not just holding a position…
you’re earning your team’s trust.
Leadership is not about being the best,
it’s about being reliable when it matters most.