21/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            ๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | Mas Matatanggap Ko Pa  
   Sa gitna ng sakunang sinasapit, nahuhuklat ang trahedyang mas malupit. 
   Sa ilalim nito'y pilit tayong nilulunod at sa bawat paghinga'y nasasalubong ang pangil nilang ubod ng talim. Sa panahong hindi lamang rumaragasang putik ang kalaban, kundi mga buwaya sa lipunan, tayo'y tumindig at lumaban. 
๐๐ถ๐ต๐ช๐ฌ.
   Naiiwan sa lansangan, pumapasok sa tahanan, at minsan buhay ang binabawi. Isang testigo sa pangako nilang pagbabago na parating inaanod-- bagkus sinasadyang maging bulag para lamang sa luho.
๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐.
   Tila teleserye ang aking nasaksihan sa telebisyonโmay mga sigaw, mga iyak, at alingawngaw ng kalunos-lunos na kapalaran ng mga lugar at pamilyang binaha. Mas masahol pa sa putik ang katiwaliang hindi na nila mapagtakpan bagkus halos 30%-60% ng budget para sa flood control ang kanilang walang habas na nilustay at nilamon. Nakasabit at nilagdaan ang mga proyekto para sa baha ngunit wala akong nakita kundi ang rumaragasang agos ng katiwalian at panakip - butas solusyon na tila anumang oras ay bibigay. 
    Sa ngayon, ilan sina Sarah at Curlee Discaya sa matunog na pangalan sa buong bansa sapagkat sila ay tanyag ng mga buwayang tuwang-tuwa sa tuwing tayo ay binabaha. Sila ang mga nasa taas na lumasap sa bunga ng ating paghihirap.
๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐ฝ.
   Hindi ko nanaising matawag na matatag laban sa mga sakuna kung ito ay magsisilbing takip sa mga mata ng pulitikong sa pera lamang lumilinaw. 
   Hindi sapat ang pagiging matatag ng mga Pilipino upang takpan ang baho at dumi ng sistema. Sa bawat pagbaha hindi tulong ang dumarating kundi ang talim ng kanilang mga ngipin na handang sakmalin at ilubog ang taong bayan hanggang sa hindi na tuluyang makabangon mula sa kumunoy ng kanilang pangungurakot. 
   Sa tuwing unti-unti kong naaaninag ang paglubog ng araw, mas sumisibol ang aking takot at pangamba na sa pagsapit ng bukang- liwayway ay tinangay na ng baha ang kakaunting pundar na itinuturing naming yaman. Kasabay na tinatangay ang pag-asa ko para sa tunay na pagbabago. Marahil ganito rin ang nadarama ng 17.54 milyong pilipinong nasa bitag ng kahirapan.
๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐.
   Habang sila'y naliligo sa ginto, sandamakmak na pangarap ang gumuguho. 
   Ganyan ang sistema na ating tinitiis. Nakasusuka, nakagagalit, at nakakaiyak. Tulad ng nakasasakal at maduming putik.
   Nais ko po ang inyong malasakit hindi ang inyong pangungupit. Iyan ang panawagan ng mga kabataan ngunit patuloy pa rin ang pagnanakaw. At sa bawat ipinagyayabang ninyong luho, maraming paghinga ang humihinto. Milyon-milyong tinig ng takot at pighati ang gumigising sa inyong mga konsensyang inanood na yata sa baha. Matagal nang naghari ang katiwalian at hinding-hindi niyo na maitatago ang umaalingasaw na sistemang bulok. 
 ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐ฝ๐๐-๐ฝ๐ผ๐๐ผ.
   Ngayon, hindi kami bastang lulubog. Titindig at lalabanan namin ang inyong kasamaan. Isasarado ang mga palad sa anumang kadayaan at bubuksan na ang isipan para sa Inang Bayan. 
   Wala nang malulunod dahil iwawaksi na ang salot. 
   Pintahang muli ang ating bayan-- hindi ng maruming putik kundi ng pag-asang bumangon muli. Dahil sa ilalim ng bughaw na alapaap naniniwala akong malalasap din natin ang tunay na pagbabago. 
   Sa gitna ng sakunang sinasapit nahuhuklat ang trahedyang mas malupitโmga mandurugas ay papaslangin. Dahil mas matatanggap ko pang maligo sa dugo at luha ng mga buwaya kaysa sa putik na dala ng baha.
๐: Mary Grace Mendoza