Central Luzon Straight News

Central Luzon Straight News Community news/ Independent media page/ Member Nueva Ecija Press Club and National Press Club

BB. NUEVA ECIJA-UNIVERSE 2026 MERIANNE DEKIT, KAKATAWAN SA PILIPINAS SA TOP MODEL OF UNIVERSE 2026NUEVA ECIJA — Isang pa...
22/08/2026

BB. NUEVA ECIJA-UNIVERSE 2026 MERIANNE DEKIT, KAKATAWAN SA PILIPINAS SA TOP MODEL OF UNIVERSE 2026

NUEVA ECIJA — Isang panibagong karangalan ang haharapin ng reigning Bb. Nueva Ecija-Universe 2026 na si Merianne Gabrielle Villanueva Dekit, matapos nitong ianunsyo ang paglahok bilang kinatawan ng Pilipinas sa Top Model of Universe 2026 na gaganapin sa Istanbul, Turkey sa Setyembre 14–19, 2026.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Dekit na labis ang kanyang pasasalamat at karangalan sa pagkakataong maiakyat sa international stage ang pangalan ng Pilipinas.

Ayon sa beauty queen, ang kanyang paglahok ay higit pa sa isang kompetisyon. Ito aniya ay isang pangarap, responsibilidad, at pagkakataon upang maipakita sa mundo ang ganda, kumpiyansa, biyaya at katatagan ng isang Filipina.

Si Dekit, na kasalukuyang reigning Bb. Nueva Ecija-Universe 2026, ay nagsabing nais niyang dalhin sa Istanbul ang suporta at pagmamalaki ng mga Pilipino, partikular ng mga Novo Ecijano.

Batay sa kanyang anunsyo, siya ang magiging kauna-unahang kinatawan mula sa Pilipinas na lalahok sa prestihiyosong international competition.

“From the Philippines to Istanbul, Turkey,” ang mensahe ni Dekit habang humihingi ng dasal, pagmamahal at suporta sa kanyang mga kababayan.

Samantala, ilang beauty pageant personalities at supporters na rin ang nagpahayag ng pagbati at suporta para sa kanyang international journey. (Facebook⁠)

Sa pagharap niya sa world stage, dala ni Merianne Dekit hindi lamang ang kanyang korona kundi maging ang pangalan ng Nueva Ecija at Pilipinas.

Mula Nueva Ecija patungong Istanbul—isang Novo Ecijana ang muling mangangarap at lalaban para sa bansa.

| Central Luzon Straight News
Merianne Gabrielle Villanueva Dekit/ FB Page

LIMANG REAMS NG PEKENG SIGARILYO, ISINUKO SA GENERAL NATIVIDAD PNPGENERAL M. NATIVIDAD, NUEVA ECIJA — Limang (5) reams n...
22/08/2026

LIMANG REAMS NG PEKENG SIGARILYO, ISINUKO SA GENERAL NATIVIDAD PNP

GENERAL M. NATIVIDAD, NUEVA ECIJA — Limang (5) reams ng umano’y counterfeit na More Red ci******es na tinatayang nagkakahalaga ng ₱3,000 ang boluntaryong isinuko ng isang residente sa General M. Natividad Municipal Police Station nitong Agosto 21, 2026.

Ayon sa General M. Natividad MPS, isinagawa ang turnover bandang alas-1:00 ng hapon bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa pagbebenta, pagbiyahe at distribusyon ng mga pekeng produktong tabako.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nakumpiskang produkto para sa kaukulang disposisyon.

Sinabi ng General M. Natividad MPS na patuloy nitong paiigtingin ang intelligence-driven operations at pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya upang makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng mga ilegal at counterfeit na sigarilyo sa kanilang nasasakupan.

| Central Luzon Straight News
Gen Natividad Pnp Ne

KABUTIHAN NA DAPAT TULARAN: MGA RESIDENTE SA LLANERA, NAGPAKITA NG KATAPATANLLANERA, NUEVA ECIJA — Isang simpleng kabuti...
21/08/2026

KABUTIHAN NA DAPAT TULARAN: MGA RESIDENTE SA LLANERA, NAGPAKITA NG KATAPATAN

LLANERA, NUEVA ECIJA — Isang simpleng kabutihan ang naging magandang halimbawa ng katapatan matapos isuko ng ilang residente ng Barangay Bagumbayan ang isang cellphone na kanilang napulot.

Ayon sa Llanera Municipal Police Station, sina Leonard Felix, Gilbert Gonzales, Aljon Acosta, Kurt Ali Castanieto at Christopher Costales ay nagpakita ng integridad at malasakit sa kapwa nang ipaabot sa himpilan ang napulot na cellphone upang mahanap at maibalik sa tunay na may-ari.

Sa halip na angkinin ang gamit, pinili ng mga residente na gawin ang tama—isang simpleng desisyon na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag-aari ng iba.

Pinuri ng pulisya ang kanilang mabuting gawa, na nagsisilbing paalala na ang katapatan at malasakit ay maaaring magsimula sa maliliit na bagay, ngunit malaki ang epekto sa isang komunidad.

Sa panahon kung kailan madaling isipin ang sariling kapakanan, ipinakita ng mga residente ng Bagumbayan na may mga taong handang gumawa ng tama kahit walang hinihintay na kapalit.

Isang cellphone man ang kanilang isinauli, ngunit isang mahalagang aral ng kabutihan at pagiging responsableng mamamayan ang kanilang iniwan.

Llanera Pnp Ne

DALAWANG SUSPEK, ARESTADO SA BUY-BUST SA ALIAGAALIAGA, NUEVA ECIJA — Dalawang drug suspect ang naaresto ng Station Drug ...
21/08/2026

DALAWANG SUSPEK, ARESTADO SA BUY-BUST SA ALIAGA

ALIAGA, NUEVA ECIJA — Dalawang drug suspect ang naaresto ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Aliaga MPS sa buy-bust operation nitong Agosto 21, 2026, dakong alas-6:30 ng gabi sa Barangay La Purisima.

Nasakote ang isang 23-anyos na construction worker mula Quezon, Nueva Ecija at isang 27-anyos na babae mula Licab matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa police poseur-buyer kapalit ng ₱500.

Narekober din ang dalawang karagdagang sachet ng hinihinalang shabu. Tinatayang 1.0 gramo ang kabuuang timbang nito, na may tinatayang Standard Drug Price na ₱6,800.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang pagmamarka, pagkuha ng larawan at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon, alinsunod sa Section 21 ng R.A. 9165.

Dinala ang mga suspek at ebidensya sa Aliaga MPS para sa dokumentasyon. Inihahanda ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng R.A. 9165 para sa inquest proceedings.

Aliaga Pnp Ne

LIBRENG 25-KILONG BIGAS, HATID BAHAY-BAHAY SA SANTA ROSASANTA ROSA, NUEVA ECIJA — Bahay-bahay na ipinamahagi ngayong hap...
21/08/2026

LIBRENG 25-KILONG BIGAS, HATID BAHAY-BAHAY SA SANTA ROSA

SANTA ROSA, NUEVA ECIJA — Bahay-bahay na ipinamahagi ngayong hapon, Agosto 21, ang libreng 25-kilogram na sako ng bigas sa mga residente ng ilang barangay sa Santa Rosa, Nueva Ecija, sa ilalim ng programang “Bigas Para sa Novo Ecijano” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Kabilang sa mga napaghatiran ng libreng bigas ang mga residente ng Tramo, San Gregorio, Aguinaldo, Burgos at Mabini, kung saan kapansin-pansin ang mainit na pagtanggap ng mga residente sa isinagawang pamamahagi.

Sa limang barangay, naglabas ang mga residente ng silya sa tapat ng kani-kanilang mga bahay, na nagsilbing lalagyan ng mga sako ng bigas habang isinasagawa ang house-to-house distribution.

Kabilang din ang Barangay Maliolio sa mga nabigyan ng libreng 25-kilogram na bigas bilang bahagi ng programa.

Masaya at mainit naman ang naging pagsalubong ng mga residente kay Vice Governor Gil Raymond “Lemon” M. Umali, na personal na nanguna sa paghahatid ng mga sako ng bigas sa komunidad.

Kasama ni Vice Governor Umali si Santa Rosa Mayor Tupeng Aguilar, gayundin sina Konsehal Macoy Matias, Tony Romero at iba pang lokal na opisyal.

Ang “Bigas Para sa Novo Ecijano” ay programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa ilalim ng pamumuno ni Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali, kasama si Former Governor Cherry Domingo Umali, na naglalayong direktang makatulong sa mga pamilyang Novo Ecijano.

Sa pamamagitan ng house-to-house distribution, mas direktang naihatid ang tulong sa mga residente, hanggang sa mismong kanilang mga tahanan.

PSWDO- Maricel Dela Cruz thru Essa Ariquez

BAGONG SIKAT ES NAGHATID NG TULONG SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG KALAMIDADTALAVERA, NUEVA ECIJA — Nagsagawa ng Barangay I...
21/08/2026

BAGONG SIKAT ES NAGHATID NG TULONG SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG KALAMIDAD

TALAVERA, NUEVA ECIJA — Nagsagawa ng Barangay Initiative for Community Support and Relief During Calamities ang Bagong Sikat Elementary School noong Agosto 20, 2026 upang makatulong sa mga mag-aaral at kanilang pamilya na naapektuhan ng kalamidad.

Kabilang sa ipinamahaging tulong ang mga pangunahing pagkain at iba pang relief goods na makatutulong sa mga pamilyang patuloy na nagsasagawa ng pagkatuto sa tahanan.

Pinangunahan ng Barangay Bagong Sikat Council, sa pangunguna ni Punong Barangay Romeo N. De Gracia, ang inisyatiba bilang bahagi ng pagtutulungan ng barangay, paaralan, mga magulang at iba pang stakeholders.

Nagpaabot din ng suporta sina Municipal Administrator Marites Gaboy Lim, mga barangay officials, donors at sponsors, kabilang sina Marvin Reyes, Marie Chu, Julieta Binuya, Epe Norte, Juliet Sta. Ines at Rosalinda Lasco.

Samantala, pinahalagahan din ng paaralan ang pakikiisa ng School Head na si Dexter L. Matias, faculty and staff ng Bagong Sikat Elementary School, gayundin ng SPTA sa pangunguna ni President Editha Dela Cruz.

Layunin ng programa na matiyak na sa kabila ng mga hamon dulot ng kalamidad, patuloy na mabibigyan ng suporta ang mga mag-aaral at kanilang pamilya.

Ipinakita ng naturang inisyatiba ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan ng paaralan at komunidad para sa kapakanan ng bawat batang Bagong Sikat.

DepEd Bagong Sikat ES

2 NAARESTO SA BUY-BUST SA SAN ANTONIO; ₱26K HALAGANG HINIHINALANG DROGA, NASAMSAMSAN ANTONIO, NUEVA ECIJA — Dalawang lal...
21/08/2026

2 NAARESTO SA BUY-BUST SA SAN ANTONIO; ₱26K HALAGANG HINIHINALANG DROGA, NASAMSAM

SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA — Dalawang lalaki ang naaresto sa anti-illegal drugs buy-bust operation ng San Antonio Municipal Police Station sa Barangay Lawang Kupang, San Antonio, Nueva Ecija, dakong alas-4:30 ng madaling-araw noong Agosto 20.

Ayon sa pulisya, naaresto ang isang 30-anyos na welder at isang 19-anyos na estudyante matapos umanong mahuli sa bentahan ng hinihinalang shabu.

Nasamsam sa operasyon ang kabuuang 3.70 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱25,160, at 7.50 gramo ng hinihinalang ma*****na na may tinatayang halaga na ₱900, kasama ang ₱500 buy-bust money.

Dinala ang mga suspek at ebidensya sa San Antonio MPS para sa kaukulang disposisyon. Inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 laban sa mga naaresto.

PNP San Antonio Municipal Police Station

BIGAS PARA SA NOVO ECIJANO, PERSONAL NA INIHATID NI FORMER GOV. CHERRY SA JAENJAEN, NUEVA ECIJA — Personal na naghatid n...
21/08/2026

BIGAS PARA SA NOVO ECIJANO, PERSONAL NA INIHATID NI FORMER GOV. CHERRY SA JAEN

JAEN, NUEVA ECIJA — Personal na naghatid ng libreng bigas si Former Governor Cherry Umali sa mga residente ng Barangay Putlod, Santo Thomas North at Santo Thomas South sa bayan ng Jaen ngayong umaga, Agosto 21, 2026.

Kasama ni Former Governor Cherry sa paghahatid at pamamahagi si 4th District Board Member Jon-Jon Padiernos, bilang bahagi ng patuloy na implementasyon ng programang “Bigas Para sa Novo Ecijano.”

Tig-25 kilo ng bigas bawat sako ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo sa tatlong barangay, bilang dagdag na suporta sa mga pamilyang Novo Ecijano.

Ang programa ay isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa ilalim ng pamumuno nina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Gil Raymond “Lemon” Umali, katuwang ang mga lokal na opisyal sa paghahatid ng tulong sa mga mamamayan.

Patuloy ang pamamahagi ng libreng bigas sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan bilang bahagi ng programang naglalayong makatulong sa mga pamilyang nangangailangan.

| Central Luzon Straight News (CLSN)
PSWDO / Neneth Rivera, Benjie Gonzales thru Essa Ariquez

PCEDO, NAKIBAHAGI SA PAGPAPALAKAS NG KAKAYAHAN NG MGA KATUTUBONG PAMAYANANPALAYAN CITY, NUEVA ECIJA — Nakiisa ang Provin...
20/08/2026

PCEDO, NAKIBAHAGI SA PAGPAPALAKAS NG KAKAYAHAN NG MGA KATUTUBONG PAMAYANAN

PALAYAN CITY, NUEVA ECIJA — Nakiisa ang Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office (PCEDO) sa pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga katutubong pamayanan sa pamamagitan ng pagiging resource speaker sa isinagawang “Empowering Indigenous Communities: A Practical Bookkeeping Workshop and Digital Safety Training” noong Agosto 20, 2026 sa Barangay Hall ng Doña Josefa, Palayan City.

Dumalo sa pagsasanay ang mga miyembro ng Josefa’s Small Enterprise and Farmers Association, na binigyan ng kaalaman hinggil sa wastong pagtatala ng mga transaksyon at mas mahusay na pangangasiwa ng kanilang pananalapi.

Tinalakay ng PCEDO ang Basic Bookkeeping, habang ibinahagi naman ng ICT Division ng LGU Palayan City ang mahahalagang kaalaman tungkol sa Digital Safety, kabilang ang mga paraan upang maprotektahan ang personal at pinansyal na impormasyon at makaiwas sa mga online scam.

Pinangunahan ang aktibidad ng City Cooperative and CSO Development Office ng Palayan City, sa pamumuno ni Christopher Ryan Banaag, sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Viandrei Nicole J. Cuevas.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman na maaari nilang magamit sa pamamahala ng kanilang organisasyon, kabuhayan at mga gawaing pangkabuhayan.

Ang pakikibahagi ng PCEDO ay bahagi ng patuloy na mga programa ng Provincial Government of Nueva Ecija, sa pamumuno nina Governor Aurelio “Oyie” M. Umali at Vice Governor Gil Raymond “Lemon” M. Umali, para sa pagpapaunlad ng kakayahan at kabuhayan ng iba’t ibang sektor sa lalawigan.

NEATO, PINATATAG ANG KOORDINASYON SA TURISMO; RIZAL OFFICIALS MAINIT ANG PAGSALUBONGRIZAL, NUEVA ECIJA — Pinatatag ng Nu...
20/08/2026

NEATO, PINATATAG ANG KOORDINASYON SA TURISMO; RIZAL OFFICIALS MAINIT ANG PAGSALUBONG

RIZAL, NUEVA ECIJA — Pinatatag ng Nueva Ecija Association of Tourism Officers (NEATO) ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga tourism officers mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan sa isinagawang 3rd Quarterly Meeting sa Dentocleene Inland Resort sa Rizal, Nueva Ecija.

Pinangunahan ni Provincial Tourism Officer Mara San Pedro ang talakayan hinggil sa mga pangunahing programa at nakalinyang aktibidad para sa sektor ng turismo, kabilang ang paghahanda para sa Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) National Convention, paglahok sa Philippine Travel Mart, Tourism Month activities at trainings, pagpapalakas ng tourism-related establishments, at pagpapaunlad ng Nueva Ecija Tourism App 2.0.

Tinalakay rin ang pagkilala sa mga munisipalidad at lungsod na may natatanging performance sa turismo.

Samantala, ibinahagi ni NEATO President Darmo Escuadro ang mga prayoridad ng asosasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng mas matibay na koordinasyon, malinaw na responsibilidad at pagtutulungan ng mga tourism officers, stakeholders at partners.

Naging bahagi rin ng aktibidad ang ocular visit sa ilang tourism destinations sa Rizal, kabilang ang Dento Farm, IT Farm, at The Promised Land: Nature Spot, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga tourism officers na makita at maranasan ang mga lokal na atraksyon at makapagpalitan ng mga ideya para sa higit pang pagsusulong ng turismo sa bayan.

Ang quarterly meeting ay nagsilbing venue hindi lamang para sa pagpaplano kundi para rin sa pagbabahagi ng mga karanasan at pagpapalakas ng ugnayan ng mga tourism officers sa buong Nueva Ecija.

Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng Municipality of Rizal, sa pamumuno nina Mayor Trina Andres at Vice Mayor Lito Andres, katuwang ang Sangguniang Bayan ng Rizal. Inihanda naman ang aktibidad ng Rizal Municipal Tourism Office na pinamumunuan ni Rommel Bilog.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Provincial Government of Nueva Ecija, sa ilalim ng pamumuno nina Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali at Vice Governor Gil Raymond “Kuya Lemon” Matias Umali, sa pamahalaang bayan ng Rizal para sa mainit na pagtanggap at suporta sa mga tourism officers ng lalawigan.

Layunin ng NEATO na patuloy na palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan upang maisulong ang isang mas organisado, konektado at kompetitibong tourism industry sa Nueva Ecija.

Address

Talavera
3114

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Central Luzon Straight News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Central Luzon Straight News:

Shortcuts

Share