10/04/2026
๐๐๐๐ฃ๐๐ฃ || ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ก๐๐จ๐ฆ๐ง, ๐ง๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ ๐ข๐ณ๐ณ-๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐, ๐๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ธ ๐๐ฎ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฟ๐๐ ๐๐ฒ๐๐๐ถ๐๐ฎ๐น ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Lumahok ang estudyanteng si Vic R. Velasquez mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Talavera Off-Campus, Kolehiyo ng Edukasyon, sa ginanap na National Culture and Arts Festival 2026 noong Abril 8โ11 sa West Visayas State University sa Lungsod ng Iloilo.
Nakipagtagisan siya sa pagsulat ng sanaysay sa patimpalak na may temang โPagsaulog: Pagpasidungog sa Aton Panublion, Kultura, kag mga Bahandi.โ
Sa tulong at gabay ng kaniyang tagapagsanay na si Kim Bryan H. Villamael, kinilala si Vic R. Velasques bilang Pambansang Kwalipikado, patunay ng kaniyang husay at dedikasyon sa larangan ng pagsulat.
Ayon kay Vic siya ay, โPatuloy na susulat upang magmulatโgamit ang bawat salita bilang liwanag, at bawat kuwento bilang tinig ng katotohanan,โ pahayag niya matapos ang patimpalak.
Dagdag pa, ang kaniyang tagumpay ay bunga hindi lamang ng suportang pinansyal kundi pati ng lakas ng loob at moral na paggabay mula sa mga sumusuporta sa kaniya. Sa kabila nito, nananatili siyang matatag sa layuning magmulat ng kamalayanโgamit ang liwanag ng katotohanan at talim ng panulat upang maipahayag ang tinig ng kapwa.
---
๐๏ธ: ๐๐ผ๐ต๐ป ๐๐ฎ๐ฟ๐น๐ผ ๐ฃ. ๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ฎ๐ป๐ผ