11/08/2025
Walang problema sa joke. Pero mali kasi na ang biro mo ay tungkol sa sitwasyon na hindi kanais nais. Nakakulong, pinakulong, mabuti sana kung may kasalanan sya, pero ang pagkakulong nya ay dahil sa politika, abuso sa kapangyarihan. Para sa aming tinuturing syang ama ng bayan. Masakit para sa amin.
Kung ang nanay mo, huwag naman sana, nasa hospital naghihingalo at magjojoke kami sa sitwasyon ng nanay mo, do you think hindi offensive yun? Di ba hindi appropriate at masasaktan ka din? Pero hindi namin gagawin kasi hindi kami kasing babaw mo na natatapalan ng salapi!
PRRD is at the lowest point of his life, nasa ibang bansa nakakulong, alam naman natin kung gaano nya kamahal ang Pilipinas. Hindi ito tamang panahon para gawin syang content.
Magulo ang bansa, kami, kahit alam naming mahirap umasa, pero pinatikim sa amin ni Pres. Duterte na maaaring magbago ang Pilipinas, he gave us hope and even after he is gone, kakapit kami sa pag-asang aahon ang Pilipinas, dahil pinakita nyang posible.
Oo, alam namin nasaktan ka sa nangyari sa ABS, pero ginawa nya ang alam nyang tama para sa bayan. How can you hate a person who only go after the people na hindi sumusunod sa tama, tamang pagbayad ng buwis, at ang lupang pagmamay ari ng gobyerno. Tamang masaktan ka, valid yun, pero hindi tama na lamunin ka ng p**t at gagawa ka ng hakbang na hindi nag-iisip dahil sa galit. We make jokes at the right time, at the right moment and gaya ng style mo mamahiya ng tao, ilugar mo din. This is not the right time, right moment, not the right person to mock. Sumobra ka dito and DDS hardly forgets and forgive.