16/10/2026
📰 𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓: 𝟓 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐍𝐚𝐝𝐚𝐦𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐨𝐠 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐥𝐞𝐫𝐨 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛𝐚𝐧
CALERO, JOSE PANGANIBAN| Isang sunog ang sumiklab sa Purok 2, Barangay Calero, Jose Panganiban sa pagitan ng 3:30 - 3:40 ng madaling-araw ngayong araw October 16, 2026, dahilan upang madamay ang limang kabahayan sa lugar.
Batay sa paunang ulat, tatlong bahay ang tuluyang natupok o totally damaged at walang naisalbang kahit na anumang gamit, habang dalawa naman ang nagtamo ng bahagyang pinsala o slightly damaged. Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) Jose Panganiban ang totoong pinagmulan ng apoy at ang kabuuang halaga ng pinsalang naidulot nito.
Mabilis namang naapula ang apoy dahil sa agarang pagresponde at pagtutulungan ng buong komunidad. Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot natin sa lahat ng mga BFP, responders at volunteers—kabilang ang mga nanay, tatay, kabataan sa lugar, at Pamahalaang Barangay na nagkaisa upang hindi na mabilis na kumalat ang sunog.
Pinasalamatan din ang mabilis na aksyon at tulong mula kay Mayor Ariel M. Non, sa mga tauhan ng BFP Jose Panganiban, at sa CANORECO para sa pagtiyak ng kaligtasan sa linya ng kuryente.
Samantala, magpapaabot ang Barangay ng tulong para sa mga apektadong pamilya! At nakapagbigay impormasyon na din tayo sa at magpapaabot ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan, ganoon din ang ating Gobernador.
Upang mabilis na makabangon ang mga pamilyang apektado.
⚠️ PAALALA PARA SA KALIGTASAN AT PAG-IINGAT
Kaugnay ng insidenteng ito, muling nagpapaalala ang mga awtoridad at pamahalaang lokal sa lahat ng mamamayan na maging masigasig sa pagpapanatili ng kaligtasan sa loob at labas ng bahay upang makaiwas sa sunog.
Ang pag-iingat at kaalaman ng bawat pamilya ang pinakamabisang sandata laban sa anumang sakuna.
📷KapArvinLagarde