
14/02/2025
Wenalyn Abcede Jalina
𝗕𝗘𝗘𝗙 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗦 + 𝗕𝗔𝗟𝗕𝗔𝗖𝗨𝗔 | 𝗞𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗣𝗔𝗗𝗜
Halina kayo KINDA PADI dito sa Rada Street sa bayan ng Talisay, Camarines Norte.
Hinding hindi ka mawawala kasi konting lakad lang po eto galing sa St. Francis Parochial School at simbahan dito sa poblacion. Kaya mo din lakarin galing sa BIR o sa Municipyo ng Talisay.
Madami kang pagpipilian dito Kinda Padi. Aside sa Beef Pares kung saan sila nagsimula 6 years ago, mayroon din silang iba't ibang klase at sizes ng PIZZA, BURGERS, PASTA, SIOMAI, SILOG MEALS at iba pang snacks.
Na-curious ako sa BALBACUA at SISIGSILOG nila, order agad. Approved ang quality at lasa! Yung ibang items naman ang itra-try ko pagbalik ko sa Talisay. Sabay take-out na din para sa pamilya.
Kaya kapag nasa Talisay ka, tara na KINDA PADI.
Open sila EVERYDAY, umaga hanggang gabi.
Pwerte digdi!!!