29/01/2023
Gumawa ako ng isang maikling TULA para sa mga OFW
********
Pamagat: Pangarap
Isa, dalawa, tatlo,
Minutong tila bay ayaw huminto
Mga hakbang papasok sa isang pinto
Kung saan maraming tao ang nakahinto
II
Paliparan kung tawagin ng lahat
Emosyon na may katumbas at katapat
Pweding saya sa muling pagbabalik
Pwedi ring lungkot sa huling paghalik
III
Habang kinakain ng oras ang mga sandali
Pinipigilang tumulo ang luha na may hapdi
Tanging paalam ang salitang namutawi
Sa labi ng isang amang hindi makapag kubli
IV
Tuluyan ng inilayo ng pagkakataon
Sakay ng eroplanong tila ayaw ng lumingon
Sa himpapawid mabilis na tinunton
Patak ng luha ang tanging tumutugon
V
Hindi man kayo kapiling
Sa pusot isip, isa lang ang hiling
Na sana isang araw ay dumating
Na kayo ay muling makapiling
VI
Ang laging tanong ng aking isipan
Hanggang kelan at hanggang saan?
Pangungulila gustong iwanasan
Subalit wala nman akong pagpipilian
VII
Isang hudyat ang aking narinig
Mensahe ng eroplanong malapit ng tumindig
Sa kabilang panig ng mundong na sa akiy nakatitig
Panibagong kabanata ng muling nagpapahiwatig
VIII
Isa, dalawa, tatlo
Muling hakbang habang ako ay papalayo
Hindi sigurado kung akoy makakatayo
Nakatingala habang hawak ang panyo
IX
Ihip ng hangin ay unti unti ng nag iba
Hinintuang lugar na ang salita ay kakaiba
Hudyat ng simula at ng pagkabalisa
Kakayanin ko ba? Kahit ako ay mag isa
X
Sinigaw ko sa lawak ng kalawakan
Na sanay matapos na agad ang kalungkutan
Na akoy makabalik sa lupang pinagmulan
Upang makapiling ang pamilyang iniwan