An Paghurma

An Paghurma Ang "An Paghurma" ay ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries

𝗔𝗻𝗱𝗮𝗺 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗺𝗮𝗴-'𝗿𝗲𝗹𝗮𝗽𝘀𝗲'? 𝗗𝗘𝗖𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝗔𝗩𝗘𝗡𝗨𝗘, 𝗺𝗮 𝗯𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗵𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻!Andam na ba mapaas? 🗣️ Andam na ba gumuliat ngan mak...
31/07/2025

𝗔𝗻𝗱𝗮𝗺 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗺𝗮𝗴-'𝗿𝗲𝗹𝗮𝗽𝘀𝗲'? 𝗗𝗘𝗖𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝗔𝗩𝗘𝗡𝗨𝗘, 𝗺𝗮 𝗯𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗵𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻!

Andam na ba mapaas? 🗣️ Andam na ba gumuliat ngan maki-sing along? 🎶🎤 Ngan an pinaka-importante — andam na ba kamo mag-reminisce? 🙇🏻‍♀️🍺

Kun andam na‚ ayaw kangalimti pagbadlis ha iyo mga kalendaryo ✏️🗓️ kay maulpot na it December Avenue para haranahon ngan patuokon kamo!

Ha pamaagi hin 𝘧𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘱𝘰𝘴𝘵, ginkumpirma han banda nga December Avenue an pagbisita ha bungto han Tanauan Leyte.

Watch them live at Tanauan Amphitheater‚ August 13‚ 2025 for a chance to hear: 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘳𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯
𝘗𝘪𝘱𝘪𝘭𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘬𝘵𝘢𝘯?
𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨
𝘗𝘪𝘱𝘪𝘭𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 ‘𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢...

Manunumduman nga hini nga adlaw amo an LGU and Speaker's Night kumo kaparte han selebrasyon han Kapatronan han bungto han Tanauan.

Sanglit, bagisi gud hin maupay it mga kalendaryo — tigamni gud it Agosto 13 ngan ayaw gud kalimti pagdara hin panyo ngan tissue. 💅🏻

via Ckeziah Andrea Timola | An Paghurma EIC
Photo courtesy: December Avenue

𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 | 𝗧𝗦𝗖𝗛𝗜 𝗜𝗡𝗧𝗥𝗔𝗠𝗨𝗥𝗔𝗟𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟱Kontribusyon ng mga larawan nina Adrian Raphael Maroto, Kyle Sebastian Magallanes, at...
28/07/2025

𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 | 𝗧𝗦𝗖𝗛𝗜 𝗜𝗡𝗧𝗥𝗔𝗠𝗨𝗥𝗔𝗟𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟱

Kontribusyon ng mga larawan nina Adrian Raphael Maroto, Kyle Sebastian Magallanes, at Jeasvin Azucena
Pag-aanyo ni Carl Justine Abaño

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 | 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝘀𝗮𝗸, 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻—𝗔𝗲𝘁𝗵𝗲𝗿𝗶𝗮𝗹𝘀, 𝗛𝗮𝗿𝗶 𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗿𝗱𝗰𝗼𝘂𝗿𝘁!Umarangkada ang Aetherials sa isang kapana-panabik...
28/07/2025

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 | 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝘀𝗮𝗸, 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻—𝗔𝗲𝘁𝗵𝗲𝗿𝗶𝗮𝗹𝘀, 𝗛𝗮𝗿𝗶 𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗿𝗱𝗰𝗼𝘂𝗿𝘁!

Umarangkada ang Aetherials sa isang kapana-panabik na pagtutuos sa 5x5 basketball sa San Roque Basketball Court nitong Hulyo 24, sa pangunguna ni Jules Andrei Bernal bilang leading scorer ng koponan, nang magwagi ito laban sa Drakonix sa iskor na 54–49.

Ipinamalas ng koponan ang husay at determinasyon sa paglalaro ng bola, habang pinangungunahan ni Bernal ang paghakot ng puntos kasama ang kanyang mga ka-grupo na nagbigay daan sa kanilang makapigil-hiningang panalo. Sa bawat quarter, parehong naghahagupit at nagsasagutan ng puntos ang dalawang koponan, at sa huling minuto, tinuldukan ng Aetherials ang labanan sa pamamagitan ng isang bangis at gilas na nagtulak sa kanila sa tagumpay.

Sa isang panayam kay Bernal, ibinahagi niya ang tiwala niya sa kanilang koponan, “An akon mayayakan han game, hin maupay an amon team—makusog ngan maupay an amon chemistry.”

Dagdag pa rito, hindi rin nagpatinag ang Aetherials sa 3x3 basketball game nang pasiklabin nila ang court at talunin muli ang Drakonix sa iskor na 13–6. Siniguro ng Aetherials na kontrolado ang galawan ng koponan gamit ang matulin na galaw ng bola, matalinong passing, at agresibong depensa. Ang kanilang maayos na koordinasyon at matinding determinasyon ang naging susi sa pagtamo ng panibagong tagumpay, patunay na sila’y hindi lamang mahusay, kundi may matibay na pundasyon bilang isang koponan.

Mula simula hanggang dulo, pinatunayan ng Aetherials ang kanilang husay matapos magwagi sa parehong 5x5 at 3x3 basketball games laban sa Drakonix.

via Shedilly Rose Lagarto | An Paghurma Isports
Larawan kuha ni Jeasvin Azucena

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 | 𝗗𝗿𝗮𝗸𝗼𝗻𝗶𝘅‚ 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗺𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗽𝗼𝗻𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝘁𝗵𝗹𝗲𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗕𝗼𝘆𝘀Sa naganap na kompetisyong Athletics sa Leyte Sports Develo...
27/07/2025

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 | 𝗗𝗿𝗮𝗸𝗼𝗻𝗶𝘅‚ 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗺𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗽𝗼𝗻𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝘁𝗵𝗹𝗲𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗕𝗼𝘆𝘀

Sa naganap na kompetisyong Athletics sa Leyte Sports Development Center noong Hulyo 24 ay ibinida ng mga atleta mula sa Drakonix ang kanilang bilis‚ liksi‚ at lakas pagdating sa nasabing larangan.

Sa 100-meter dash ay kaagad na nagpakitang-gilas ang dalawang runners mula sa Drakonix na sina Clarence Dave C. Raquel at Mark Balais nang kanilang makuha ang ikalawa at ikatlong pwesto.

Nasungkit ni Renz Lester P. Padil ng Stormbringers ang unang pwesto matapos niyang pakitaan ng mala-kidlat na galaw ng mga paa ang kaniyang mga katunggali.

Sa 200-meter dash ay siniguro ng Drakonix na mapataob ang ibang koponan matapos nilang maangkin lahat ng pwesto nang magwagi ang tatlong atletang sina Clarence Dave C. Raquel‚ Mark Junie Camontoy‚ at Rhenz R. Balbarona na pare-parehong kinatawan ng nabanggit na pangkat.

Samantalang sa 400-meter dash ay nagpatuloy ang pag-domina ng Drakonix nang masiguro ni Xhander Jay Novio ang unang pwesto na sinundan nina Jerome Balais mula sa Aetherials at Jhay Galing mula sa Ecliptix.

Malasipa ng kabayo ang lakas ng ipinamalas ni Jhon Erron Lagarto ng Drakonix sa 800-meter dash dahilan para makamit niya ang unang pwesto—sinundan ito ni Romeo Lopez‚ at pumangatlo si Hassan A Villarreal na pare-parehong mula sa domenanteng pangkat.

Umarangkada muli ang Drakonix nang si Xhander Jay Novio ang makasungkit ng unang pwesto sa 1500-meter dash habang si Jerome Balais ng Aetherials ang pumangalawa; John Erron Lagarto ang pangatlo (Drakonix).

Si Jahziel Vhan A. Singh ng Mythiquest ang bumida nang walang kahirap-hirap niyang madaig sina Mark Anthony M. Vertudes ng Ecliptix‚ Jhon Erron Lagarto ng Drakonix‚ at iba pang mga kaparehong manlalaro sa 3000-meter dash.

Renz A. Tejada ng Stormbringers‚ wagi sa 5000-meter dash nang mauna niyang matapos ang 12 laps laban sa iba pang mga manlalaro.
Sumunod sina Romeo E. Lopez Jr. ng Drakonix at Justin Lance Nerja.
Si Edson Sta. Isabel naman ang naging kampeon sa Walkaton.

Sa kabilang dako‚ sa long jump ay si Renz Lester P. Padil ng Strombringers ang nanguna; Jhay Galing ng Ecliptix ang sumunod.
Sa triple jump ay si Jhay Galing ang nanguna at si Jerome Balais ang pumangalawa.

Sa high jump ay si Renz Lester Padil ang kampeon.

via Ckeziah Andrea Timola | An Paghurma Isports
Mga Larawan kuha ni Kyle Sebastian Magallanes

𝗛𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴: 𝗨𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗮𝗴𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝘀𝗶𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗹𝗶𝗺𝘂𝘁𝗮𝗻Nitong ika-25 ng Hulyo 2025 ay gin...
26/07/2025

𝗛𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴: 𝗨𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗮𝗴𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝘀𝗶𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗹𝗶𝗺𝘂𝘁𝗮𝗻

Nitong ika-25 ng Hulyo 2025 ay ginanap ang Acquaintance at Victory party sa Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries (TSCHI) matapos ang ilang araw na tagisan sa palakasan, sipag, at mga sakripisyo. Mistulang pampawi ng pagod ang pagdiriwang na ito, na tila ba'y pinahinto ang oras upang ipagdiwang ang tagumpay at pagkakaibigan.

Sa likod ng sayawan, kantahan, mga ngiting sumilay sa mga labi, ay makikita ang kasabikang makihalubilo, at marinig ang mga kwento ng mga taong dating pamilyar lamang sa pangalan. Sa bawat silid ay ramdam ang diwa ng pagkakaisa – unti-unting nawawala ang hiya at napapalitan ng sigla - parang apoy na muling sinindihan.

Sa kabilang banda, pagkatapos ng pagkakakilanlan ay sinundan ito ng isang makabuluhang Victory Party. Dito, parang isang libro ng paglalakbay na muling binuksan - mula sa mga ensayo, pagkabigo, mga pagsubok, hanggang sa araw ng tagumpay, tunay ngang walang kapantay ang pakiramdam ng pagkapanalo - isang saglit na parang langit sa gitna ng hirap.

Ngunit sa likod nito, nawa'y wag nating kalimutan ang tunay na diwa ng pagdiriwang. Hindi basehan ang magarbong disenyo, dami ng pagkain, at kung bago o luma ang iyong kasuotan, ang mahalaga ay ang pagkakaisa, pagkakaibagan, at kasiyahang hindi makalilimutan.

Mga salita ni Dexter Villarmino | An Paghurma Lathalain
Mga larawan ni Jeasvin Azucena

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 | 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀, 𝘂𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘁 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗺𝗶𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗟𝗮𝗻𝘇𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗸𝗼𝗿 𝗻𝗮 𝟮𝟭-𝟭𝟮Sa isang mabilis ngunit makabuluh...
26/07/2025

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 | 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀, 𝘂𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘁 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗺𝗶𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗟𝗮𝗻𝘇𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗸𝗼𝗿 𝗻𝗮 𝟮𝟭-𝟭𝟮

Sa isang mabilis ngunit makabuluhang laban sa Boys Category ng Badminton Championship, pinataob ni Calvin Flores ng Team Stormbringers si Cedric Lanza ng Team Aetherials sa isang set lamang sa TSCHI Intramurals 2025 na ginanap sa San Roque Gym noong Miyerkules, Hulyo 23, 2025.

Sa kabila ng agresibong laro, mabilis na nakuha ni Flores ang kontrol sa laro sa pamamagitan ng matalinong placing upang maipuwesto ang shuttlecock sa mga bahagi ng court na hirap abutin ni Lanza, dahilan kung bakit mabilis siyang nakaipon ng puntos at tinapos ang laban sa iskor na 21-12.

Nagpakitang-gilas agad si Flores sa simula ng laro matapos magpaulan ng sunod-sunod na smash kay Lanza, dahilan upang makalamang siya 11-3 sa unang bahagi ng set at tuluyang kontrolin ang daloy ng laban.

Nagpalit ng pwesto ang dalawang manlalaro sa kalagitnaan ng laban kaya’t mas naging mainit ang tensyon sa court, nagresulta sa matinding sagupaan at sunod-sunod na rally, nag-drop shot si Lanza sa pag-asang makabawi, ngunit hindi ito naging sapat upang mapantayan ang bilis at diskarte ni Flores.

Nagkamali ng tira si Lanza sa huling bahagi ng laban, dahilan upang tuluyang makuha ni Flores ang panalo at tanghaling kampeon sa iskor na 21-12. Bagama’t hindi dinagsa ng manonood ang kanilang laban, nanatili pa rin ang ilang masugid na taga-suporta mula sa bawat koponan na buong sagisag na tumutok at nagbigay ng lakas ng loob sa kanilang mga manlalaro hanggang sa huling rally.

“Sa totoo lang, wala talaga akong naging preparasyon at wala rin training, ang ginawa ko lang ay matulog ng maayos at kumain ng maraming carbohydrates para magkaroon ng sapat na enerhiya sa laro, masaya ako sa naging resulta sa laro”, saad ni Flores.

via Rolando Mendiola | An Paghurma Isports
Larawan ni Jeasvin Azucena

𝗠𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗹𝗯𝗼𝘀 𝗻𝗶 𝗠𝘂𝗲𝘃𝗮! 𝗗𝘂𝗿𝗼𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗶𝗿𝗮; 𝟮-𝟭Muling umingay ang pangalan ni Jade Randy Mueva matapos ni...
25/07/2025

𝗠𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗹𝗯𝗼𝘀 𝗻𝗶 𝗠𝘂𝗲𝘃𝗮! 𝗗𝘂𝗿𝗼𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗶𝗿𝗮; 𝟮-𝟭

Muling umingay ang pangalan ni Jade Randy Mueva matapos niyang matagumpay na mapanatili sa kaniyang mga kamay ang gintong medalya sa table tennis laban sa kaniyang nakababatang kapatid na si Jade Marc Mueva kaninang umaga‚ Hulyo 23.

Ang nasabing kompetisyon ay isa sa mga larong inorganisa para sa pagdiriwang ng 𝘪𝘯𝘵𝘳𝘢𝘮𝘶𝘳𝘢𝘭𝘴 ng Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries (TSCHI).

Sa simula pa lamang ng laban ay kitang-kita na ang determinasyon at liksi ni J.R. Mueva ngunit hindi natinag si J.M. Mueva kung kaya’t hindi siya nabigong lampasuhin ang kaniyang katunggali sa unang 𝘴𝘦𝘵 sa iskor na 11-8.

Sa ikalawang 𝘴𝘦𝘵 ay tila nagitla si J.R. Mueva sa ipinamalas na galing ng kaniyang katapat kaya mala-kidlat niyang tinabla at pinainit ang laban sa iskor na 11-9.

Naglalagablab na palitan ng bola ang sunod na nasaksihan ng mga manonood sa ikatlo o 𝘧𝘪𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘦𝘵 ng laro matapos mag-alab ang tensyon sa pagitan ng dalawang manlalaro sa pagsungkit ng gintong medalya.

Matapos kumamada ng sunod-sunod na puntos si J.R. Mueva; durog si J.M. Mueva.

Sa iskor na 11-7 tuluyang napabagsak ni J.R. Mueva ng Stormbringers ang pambato ng Ecliptix na si J.M. Mueva.

Nawalan naman ng kulay ang mukha ni J.M. Mueva matapos siyang gapihin ng kaniyang katunggali at masungkit ang pilak na medalya o ang ikalawang puwesto.

Mensahe ni J.R. sa kaniyang kapatid: “I want you one day na mapirdi mo [ako] para next time na maglaban kita‚ maguro-galing ka na. So‚ yes... please improve in the future.”

“So‚ baga’n happy ako kay it ak’ bugto parehas na kami high school [students] tapos since Grade 7 na hiya‚ nakakalaban ko na hiya [table tennis]. So... proud ako na nakaabot na hiya hini na level‚” dagdag pa niya.

Matatandaang si J.R. Mueva rin ang nakasungkit ng kampeonato sa nakaraang 𝘪𝘯𝘵𝘳𝘢𝘮𝘶𝘳𝘢𝘭𝘴 sa parehong laro.

via Ckeziah Andrea Timola | An Paghurma Isports

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘Narito ang opisyal na talá ng nakuhang medalya ng bawat kuponan. (As of July 25, 2025 ; 10:00m)Pag-aanyo ni ...
25/07/2025

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘

Narito ang opisyal na talá ng nakuhang medalya ng bawat kuponan.
(As of July 25, 2025 ; 10:00m)

Pag-aanyo ni Ashley Mae Salve
Pinagkunan: SSLG Tabulating Team

𝗦𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗽𝗮! 𝗠𝘆𝘁𝗵𝗶𝗾𝘂𝗲𝘀𝘁, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗺𝗶𝗹𝗶𝘆𝗮𝗯 𝗻𝗴 𝗔𝘁𝗵𝗲𝗿𝗶𝗮𝗹𝘀 𝘀𝗮 𝗳𝗶𝗻𝗮𝗹𝘀; 𝟮-𝟭Pinakitaan ng lumiliyab...
25/07/2025

𝗦𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗽𝗮! 𝗠𝘆𝘁𝗵𝗶𝗾𝘂𝗲𝘀𝘁, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗺𝗶𝗹𝗶𝘆𝗮𝗯 𝗻𝗴 𝗔𝘁𝗵𝗲𝗿𝗶𝗮𝗹𝘀 𝘀𝗮 𝗳𝗶𝗻𝗮𝗹𝘀; 𝟮-𝟭

Pinakitaan ng lumiliyab na bola ng Aetherials ang koponan ng Mythiquest, matapos itong patalsikin sa nalalabing oras ng labanan, nitong Hulyo 23, 2025 na ginanap sa Garments ground, na napuno ng masigabong palakpakan at mainit na hiyawan ng panig ng Aetherials.

Nagpaulan agad ng 6 na puntos ang koponan ng Atherials sa unang set, ngunit naudlot naman ito nang lumabas ang bola sa linya. Dali-dali itong binawi ng Mythiquest at sumungkit ng 3 na puntos.

Sa kalagitnaan ng unang set ay naging mainit ang labanan ng dalawang pangkat. Patuloy na sinusubukang sunggaban ng Mythiquest ang Aetherials, ngunit hindi pa rin ito nagwagi nang nagpakawala ng nagmamala-bulalakaw na tira ang Aetherials at hinakmal ang puntos na 15-10.

Walang tigil na pagpapasabog ng nag-aalab na 5 na puntos ang Aetherials nang biglang bumira ang Mythiquest ng 3 na puntos. Muling uminit ang engkwentro ng dalawang panig, na naging rason ng walang humpay na ubusan ng lakas at matinding bakbakan.

Sa huli, ang Mythiquest naman ang nagtagumpay sa ikalawang set ng laro na umarangkada ng 17-15 na puntos, na pinagkaguluhan ng mga taga-suporta.

Simula pa lamang ng laro sa huling set ay tiniyak na agad ng koponan ng Aetherials ang kanilang korona. Pilit mang tinatangkang higitan ng Mythiquest, ngunit tila ba'y hindi sila makawala sa mga tirang lumiliyab ng Aetherials.

Hindi na pinatagal ng Aetherials ang sagupaan at nagpakita ng pamatay-sunog na tira at pinamalas ang 15-4 na puntos.

Nag-uumapaw na sigawan at umaalingawngaw na palakpakan ang ipinakita ng mga taga-suporta ng Aetherials nang nasubaybayan nila ang pag-uwi ng korona ang kanilang panig.

Sobrang ipinagmamalaki naman ng kanilang coach na si Mrs. Melba De Jesus ang pagkapanalo ng kanilang koponan. Ayon sakaniya, "It ak la masisiring, happy ako na nagdaog an amon team. Through han ira effort ngan paniguro, nagdaog hira. So, happy ako and behalf of our team, as their coach"

Dagdag pa niya, hindi naman raw sila mahirap tugunan at masipag rin sila mag-ensayo kaya maganda ang kanilang laro.

via Gladys Gayon
Mga larawan ni Adrian Raphael Maroto

𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 | 𝗣𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗧𝗦𝗖𝗛𝗜 𝗜𝗻𝘁𝗿𝗮𝗺𝘂𝗿𝗮𝗹𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟱Mga larawan nina Jeasvin Azucena at Adrian Raphael MarotoPag-aanyo ni C...
24/07/2025

𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 | 𝗣𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗧𝗦𝗖𝗛𝗜 𝗜𝗻𝘁𝗿𝗮𝗺𝘂𝗿𝗮𝗹𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟱

Mga larawan nina Jeasvin Azucena at Adrian Raphael Maroto
Pag-aanyo ni Carl Justine Abaño

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 Narito ang parsiyal at 'di opisyal na talá ng nakuhang medalya ng bawat kuponan. (As of July 25, 2025 ; 07:00am)P...
24/07/2025

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘

Narito ang parsiyal at 'di opisyal na talá ng nakuhang medalya ng bawat kuponan.
(As of July 25, 2025 ; 07:00am)

Pag-aanyo ni Ashley Mae Salve
Pinagkunan: SSLG Tabulating Team

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 Narito ang parsiyal at 'di opisyal na talá ng nakuhang medalya ng bawat kuponan. (As of July 24, 2025 ; 05:00pm)P...
24/07/2025

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘

Narito ang parsiyal at 'di opisyal na talá ng nakuhang medalya ng bawat kuponan.
(As of July 24, 2025 ; 05:00pm)

Pag-aanyo ni Ashley Mae Salve
Pinagkunan: SSLG Tabulating Team

Address

Imperio Street
Tanauan
6502

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when An Paghurma posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share