The Vigilante News PH

The Vigilante News PH πŸ‡΅πŸ‡­ Balitang may kredibilidad. Mabilis, malinaw, at may beripikasyon.🧿🧿🧿
Maging matalas ang pakiramdam sa usaping kinakailangan

🚨 BREAKING NEWS: AMA NG ESTUDYANTENG SUSPEK SA ATENEO DE ZAMBOANGA, CUSTOMS POLICE CHIEF PALAZAMBOANGA CITY β€” Sa pinakab...
18/08/2026

🚨 BREAKING NEWS: AMA NG ESTUDYANTENG SUSPEK SA ATENEO DE ZAMBOANGA, CUSTOMS POLICE CHIEF PALA

ZAMBOANGA CITY β€” Sa pinakabagong update sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School, napag-alaman na ang ama ng estudyanteng itinuturong suspek ay isang Customs Police Chief sa Zamboanga.

Kinumpirma ng Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na ang naturang opisyal ay na-relieve muna sa puwesto habang isinasagawa ang imbestigasyon. Sinusuri rin ng mga awtoridad ang pinagmulan at pagmamay-ari ng mga baril na ginamit sa insidente.

MALAKING TANONG NGAYON:
πŸ‘‰ Saan nakuha ng menor de edad ang mga baril at paano ito napunta sa kanyang kamay?

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pinagmulan ng mga armas at ang mga posibleng pananagutan kaugnay nito.

πŸ“· AI-GENERATED | FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY

🚨 BIRTHDAY CELEBRATION SA CALATAGAN, BATANGAS, NAUWI SA PAMAMARIL; ISANG BISITA PATAY, ISA SUGATANCALATAGAN, BATANGAS β€” ...
17/08/2026

🚨 BIRTHDAY CELEBRATION SA CALATAGAN, BATANGAS, NAUWI SA PAMAMARIL; ISANG BISITA PATAY, ISA SUGATAN

CALATAGAN, BATANGAS β€” Nauwi sa madugong insidente ang isang birthday celebration sa Barangay Paraiso, Calatagan, Batangas noong Sabado ng gabi matapos umanong pagbabarilin ng isang bisita ang dalawang kapwa bisita.

Dead on the spot ang biktimang si Jayson Pantoja matapos tamaan ng bala sa ulo.

Samantala, isinugod sa ospital ang isa pang biktima na si Leonardo Herjas, na nagtamo ng tama ng bala sa balikat.

Kinilala naman ng pulisya ang suspek na si Christopher Riva, alyas β€œTope,” na nakatakas matapos ang pamamaril.

Batay sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Angelo Barcelon, investigator-on-case, parehong residente ng Barangay Paraiso ang mga biktima at suspek at pawang mga bisita sa birthday celebration.

Nasa party na umano ang suspek kasama ang limang iba pang bisita nang dumating sina Pantoja at Herjas at nakisali sa inuman.

Ayon sa mga saksi, walang naging argumento o anumang provokasyon bago ang insidente.

Bigla na lamang umanong tumayo ang suspek, bumunot ng baril at malapitan na binaril sa ulo si Pantoja. Kasunod nito, pinaputukan din umano ni Riva si Herjas na tinamaan naman sa balikat.

Pinaniniwalaang nakainom ang suspek nang mangyari ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen, habang nagpapatuloy naman ang pagtugis kay Christopher Riva.



17/08/2026

🚨 PANOORIN | BAHA RUMARAGASA SA OLONGAPO CITY

🌊 MALAKAS NA AGOS NG BAHA SA JOSE ABAD SANTOS AVENUE!

OLONGAPO CITY β€” Rumagarasa ang tubig-baha sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue, malapit sa Kalayaan Gate sa Barangay Old Cabalan, ngayong Lunes, Agosto 17.

Apektado ng patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat ang naturang lugar na nagsisilbing mahalagang access point mula Olongapo City patungo sa Subic Bay Freeport.

⚠️ PAALALA SA MGA MOTORISTA:
Mag-ingat at iwasang sumuong sa malakas na agos ng baha. Kung hindi kinakailangan, ipagpaliban muna ang biyahe at humanap ng ligtas na alternatibong ruta.

πŸ“ Jose Abad Santos Ave., Brgy. Old Cabalan, Olongapo City
πŸ“… Agosto 17, 2026

πŸ“Ή Sherwin Modesto Ortiguerra

VIGILANTE NEWS PH
Tapat na Balita, Walang Kinikilingan

🚨 FLOOD ALERT | SAN JUAN RIVER UMAPAW🌊 MALALIM NA BAHA, HINDI NA MADARAANAN ANG E. RODRIGUEZ–ARANETAMANILA β€” Dahil sa ma...
17/08/2026

🚨 FLOOD ALERT | SAN JUAN RIVER UMAPAW

🌊 MALALIM NA BAHA, HINDI NA MADARAANAN ANG E. RODRIGUEZ–ARANETA

MANILA β€” Dahil sa malakas at patuloy na pag-ulan, umapaw ang San Juan River, na nagdulot ng matinding pagbaha sa E. Rodriguez Avenue corner Araneta Avenue.

⚠️ ROAD STATUS: NOT PASSABLE

Pinapayuhan ang mga motorista na huwag nang subukang tumawid sa naturang bahagi upang maiwasang ma-stranded o malagay sa panganib.

Kung hindi kailangang bumiyahe, manatili muna sa ligtas na lugar at hintaying humupa ang ulan at bumaba ang baha.

πŸ“ E. Rodriguez Ave. cor. Araneta Ave.
πŸ“… Agosto 17, 2026

VIGILANTE NEWS PH
Tapat na Balita, Walang Kinikilingan

🚨 AKALA NIYA JET SKI ANG SUV NIYA! πŸ€¦β€β™‚οΈπŸŒŠSumuong ang isang SUV sa malalim na baha sa Quezon City, ngunit hindi na ito nak...
17/08/2026

🚨 AKALA NIYA JET SKI ANG SUV NIYA! πŸ€¦β€β™‚οΈπŸŒŠ

Sumuong ang isang SUV sa malalim na baha sa Quezon City, ngunit hindi na ito nakaabante at kinailangang tulungan ng mga taong nasa paligid.

⚠️ SUV ’YAN, HINDI JET SKI!
Sa ganitong kalalim na baha, mas ligtas na umiwas kaysa piliting tumawid at ma-stranded.

πŸ“ Mother Ignacia Ave. cor. Timog Ave., Quezon City
πŸ“… August 17, 2026

πŸ“· CTTO: Katrina De Leon

VIGILANTE NEWS PH
Tapat na Balita, Walang Kinikilingan

17/08/2026

🚨 FLOOD ALERT | MANILA

π—žπ—”π—Ÿπ—”π—ͺ π—”π—©π—˜π—‘π—¨π—˜, π—œπ—‘π—”π—”π—–π—§π—œπ—©π—˜ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π— π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  𝗑𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

MANILA β€” Tuluyan nang hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang bahagi ng Kalaw Avenue mula Maria Orosa Street hanggang Taft Avenue ngayong Lunes, Agosto 17, dahil sa matinding pagbaha.

🌊 BAHA: HANGGANG BAYWANG

Ayon sa Manila City DRRM Department, umabot na sa orange marker o hanggang baywang ang lalim ng tubig sa naturang bahagi.

⚠️ PAALALA SA MOTORISTA:
Iwasan muna ang Kalaw Avenue at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasang ma-stranded sa baha.

πŸ“ Kalaw Avenue, Manila
πŸ“… Agosto 17, 2026
πŸŽ₯ Manila City DRRM Department

VIGILANTE NEWS PH
Tapat na Balita, Walang Kinikilingan

🚨 BREAKING FLOOD UPDATE | QUEZON CITY𝗕𝗔𝗑𝗔π—ͺπ—˜β€“π—”π— π—’π—₯𝗔𝗑𝗧𝗒 π—₯𝗒𝗔𝗗 π—œπ—‘π—”π—”π—–π—§π—œπ—©π—˜ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π— π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  𝗑𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔QUEZON CITY β€” Hindi na madaa...
17/08/2026

🚨 BREAKING FLOOD UPDATE | QUEZON CITY

𝗕𝗔𝗑𝗔π—ͺπ—˜β€“π—”π— π—’π—₯𝗔𝗑𝗧𝗒 π—₯𝗒𝗔𝗗 π—œπ—‘π—”π—”π—–π—§π—œπ—©π—˜ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π— π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  𝗑𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

QUEZON CITY β€” Hindi na madaanan ng mga sasakyan ang Banawe Street corner N.S. Amoranto Sr. Avenue matapos umabot sa hanggang bewang ang taas ng baha.

⚠️ ROAD STATUS: NOT PASSABLE

Pinapayuhan ang mga motorista na umiwas muna sa lugar at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasang maipit sa baha.

πŸ“ Banawe St. cor. N.S. Amoranto Sr. Ave., Quezon City

πŸ“· Prospero Roman R

VIGILANTE NEWS PH
Tapat na Balita, Walang Kinikilingan

πŸ”΄ FOLLOW-UP: MIKE DEFENSOR VS. BJMP β€” TENSYON SA INTERVIEW, MAY MGA TANONG NA NANANATILIMANILA β€” Matapos ang naging tens...
17/08/2026

πŸ”΄ FOLLOW-UP: MIKE DEFENSOR VS. BJMP β€” TENSYON SA INTERVIEW, MAY MGA TANONG NA NANANATILI

MANILA β€” Matapos ang naging tensyon sa pagitan ni dating Congressman Mike Defensor at mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa labas ng Sandiganbayan, patuloy na pinag-uusapan ang naging pagharang sa kanya habang nais sana niyang makausap ang media.

Sa insidente noong Agosto 14, makikita sa mga video na mariing tumutol si Defensor habang inilalayo siya ng mga jail personnel sa mga mamamahayag.

Samantala, iginiit ng BJMP na bilang isang Person Deprived of Liberty (PDL), may mga patakaran at limitasyon sa paglabas ng pahayag o pakikipag-ugnayan sa media habang nasa kustodiya.

Dahil dito, lumutang ang dalawang magkabilang pananaw:

πŸ”Ή Kampo ni Defensor: Kinukuwestiyon ang paraan ng paghawak sa kanya at iginiit ang kanyang karapatan na makapagsalita.

πŸ”Ή BJMP: Ipinatutupad lamang umano ang mga patakaran para sa mga PDL at hindi nangangahulugang may espesyal na pagtrato sa isang detainee.

Samantala, nauna nang iniulat na dalawang beses umanong na-raid ang detention cell na kinaroroonan ni Defensor sa Quezon City Jail, bagay na nangangailangan pa ng hiwalay na paglilinaw mula sa BJMP.

πŸ“Œ Sa ngayon, nananatiling sentro ng usapin ang tanong: Hanggang saan ang karapatan ng isang detainee na makipag-usap sa media habang nasa kustodiya ng gobyerno?

VIGILANTE NEWS PH
Tapat na Balita, Walang Kinikilingan

πŸ‡΅πŸ‡­ MARCOS MAG-EENDORSE NG KANDIDATO SA 2028 β€” PERO WALA PA SIYANG NAPIPILIMANILA β€” Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Mar...
17/08/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ MARCOS MAG-EENDORSE NG KANDIDATO SA 2028 β€” PERO WALA PA SIYANG NAPIPILI

MANILA β€” Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-eendorso siya ng isang kandidato para sa 2028 presidential elections, ngunit sinabi niyang wala pa siyang napipiling susuportahan sa ngayon.

Ayon kay Marcos, masyado pang maaga para gumawa ng pinal na desisyon dahil kailangan pa niyang makita kung paano huhubog ang political landscape bago ang halalan.

Sinabi rin ng Pangulo na pipili siya ng β€œbest possible candidate” na makapagpapatuloy sa kanyang mga nasimulan, kabilang ang kampanya laban sa korapsyon.

Samantala, patuloy nang umiinit ang pulitika habang papalapit ang 2028 elections, lalo na matapos ideklara ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.

πŸ“Œ Sa ngayon, wala pang pangalan na inendorso si Marcos.

VIGILANTE NEWS PH
Tapat na Balita, Walang Kinikilingan

🚨 HABAGAT PATULOY ANG PAG-ULAN β€” LPA NASA PAR NA!⚠️ Patuloy na nakaaapekto ang Habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayo...
17/08/2026

🚨 HABAGAT PATULOY ANG PAG-ULAN β€” LPA NASA PAR NA!

⚠️ Patuloy na nakaaapekto ang Habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong Lunes, Agosto 17.

Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) ang pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) silangan ng Luzon. Sa ngayon, mababa pa ang posibilidad nitong maging tropical cyclone, ayon sa PAGASA.

🌧️ Sa ilang lugar, nagdulot na ng malalakas na pag-ulan, pagbaha at pagsususpinde ng klase.

πŸ“Œ Paalala: Manatiling updated sa mga abiso ng PAGASA at inyong lokal na pamahalaan, lalo na kung nakatira sa mabababang lugar o lugar na madaling bahain.

HABAGAT + LPA: MAG-INGAT AT MAGHANDA.

Address

Tanauan

Telephone

+639104150783

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Vigilante News PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share