26/08/2026
🚨 DONATION DRIVE FOR MANGYAN VILLAGE 🚨
Magandang araw! Magkakaroon po kami ng outreach program sa isang Mangyan Village ngayong darating na August 29, 2026 (Sabado).
Kumakatok po kami sa inyong mga puso para sa donasyon na mga damit na hindi na ginagamit ngunit maayos, malinis, at pwede pa pong suotin. 👕👗
📦 MGA PWEDENG IDONATE:
❣️Damit para sa Bata at Matanda (T-shirts, shorts, pantalon, blusa, atbp.)
❣️Mga Damit-Panlamig (Jackets, sweaters, o hoodies)
❣️Kagamitan sa Pagtulog (Malilinis na kumot o tuwalya)
❣️Tsinelas o Sapatos (Yung nasa maayos at pwede pang magamit na kondisyon)
📋 MGA DETALYE:
📅 Deadline ng Tanggapan: Hanggang August 28, 2026 (FRIDAY) 6PM
Pwede po kayong mag PM sa akin.
📱 Contact Person: Jett John Hidalgo
Ang inyong simpleng tulong ay malaking bagay para sa ating mga kapatid na Mangyan. Maraming salamat at God bless po! 🙏🤍