21/01/2024
Bakit Kailangan ang
Ang pag-uutos ng Islam sa pagsusuot ng Hijab ay batay sa marami at mga dakilang mga kadahilanan at layunin nito, na pangalagahan ang isang babae sa kanyang buhay may-asawa.
Ang isang lalaki kapag tumatanda na ang kanyang maybahay at mawala na ang kabataan, kasiglahan, at kasariwaan nito na sanhi rin ng pagtanda kalakip na rito ang pagbubuntis, panganganak, pagpapasuso, at pagtatrabaho – ay mabubuhay pa rin nang malugod at kaaya-aya sa piling ng kanyang maybahay.
Subali't nang nagpunta ang lalaking ito sa labas ng kanyang tahanan at nakakita siya ng isang dalagang nasa kasibulan pa nito sa rurok ng kagandahan at kabataan, ano na lamang ngayon ang kanyang mararamdaman kapag nakikita niya ito nakalitaw at kaakit akit ang kanyang
?
Ang lalaki ay lalaki, naakit, nabibighani, humahanga at nauuhaw ang laman. Bunga nito, pag-uwi ng lalaki sa kanyang tahanan ay magsimula na niyang paghambingin ang kanyang asawa at mga ibang kababaihan na kanyang nakita.
Katotohanan ang mga kaganapang ito sa ating lipunan na sanhi ng ating paglihis sa tuwid na landas na ang bunga ay pagkawasak ng maraming tahanan. Kaya’t inaatasan ng Islam ang mga kababaihan na magsuot ng Hijab at sinasabi sa kanya: "Huwag mong ilahad ang iyong kagandahan upang hindi magdulot ng pagkakasala at sisira sa magandang ugnayan sa mga tahanan at kapag ikaw ay sumapit na rin sa pagkatanda ay wala ring babae na darating para sumira sa iyong tahanan at sa inyong mag-asawa."