09/04/2026
🎶 INANG BAYAN, MAHAL KITA 🎶
Composed by:Edith Chan Lirio
(Verse 1)
Anong naghihintay sa’ting Inang Bayan
Bakit tila luha ang siyang pinapasan
Araw-araw, puso ko’y nadudurog
Sa hirap na pilit nating nilulunok
Ang kapaligiran kung iyong tutunghayan
Parang punit na pahina ng kasaysayan
Mga pangarap ay unti-unting nawawala
Sa mundong nilamon na ng kasakiman at dusa
(Pre-Chorus)
Ano bang kasalanan naming mamamayan
Katotohanan lang ang nais makamtan
Bakit ang boses namin ay di marinig
Sa sistemang tila bulag at manhid
(Chorus)
Inang Bayan, mahal kita
Kahit ika’y sugatan at luhaan na
Sa gitna ng dilim, ako’y aasa
Na balang araw, laya’y makikita
Di kita iiwan, di pababayaan
Kahit pilit kang winawasak ng kasamaan
Sa bawat iyak ng puso kong sugatan
Pag-ibig ko sa’yo’y walang hanggan
(Verse 2)
Di ba ninyo naiisip ang kabataan
Na sa yapak ninyo’y susunod balang araw
Kung pandaraya ang siyang itatanim
Ano ang aanihin ng susunod na henerasyon natin?
Mga taong may tunay na malasakit
Pilit ninyong binabagsak, iniipit
Itinuturing ninyong kalaban at hadlang
Kahit ang kapalit ay buhay na nawawalan
(Pre-Chorus 2)
Mga nasa poder, nasaan ang puso?
Bakit ang pera ang siyang sinasamba ninyo
Habag sa kapwa tila nalimutan
Habang bayan ay patuloy na nasasaktan
(Chorus)
Inang Bayan, mahal kita
Kahit ika’y sugatan at luhaan na
Sa gitna ng dilim, ako’y aasa
Na balang araw, laya’y makikita
Di kita iiwan, di pababayaan
Kahit pilit kang winawasak ng kasamaan
Sa bawat iyak ng puso kong sugatan
Pag-ibig ko sa’yo’y walang hanggan
Ilan pang gabi ang lilipas na may luha?
Ilan pang pangarap ang tuluyang mawawala?
Habang sila’y nagdiriwang sa karangyaan
Ang Inang Bayan ay naghihingalo sa kahirapan
Ngunit di pa huli ang lahat
May apoy pang nag-aalab sa bawat tapat
Kapag ang puso’y sabay-sabay na tumindig
Kadilinman ay tuluyang mapapawi’t mapapalis
(Final Chorus – may pag-asa)
Inang Bayan, mahal kita
Sa sugat mo’y ako’y lalaban pa
Hanggang ang bukas ay muling sumaya
At hustisya’y tuluyang madama
Tayo ang pag-asa ng ating bayan
Hindi kailanman magpapasakop sa kasamaan
Sa bawat tibok ng pusong Pilipino
May liwanag na sisikat—pangako ko
Inang Bayan… patawad kung minsan kami’y napapagod
Ngunit hindi kami susuko
Mahal ka namin… habang buhay…