Kuya Jha Vlog

Kuya Jha Vlog For entertainment

29/11/2025

“Bakit Nilikha ng Diyos ang Impiyerno?"

Ang Katarungan ng Banal na Diyos

Hindi nilikha ng Diyos ang impiyerno para sa mga tao, Ito Sana ay para kay Satanas at sa mga nagkasalang anghel na naghimagsik laban sa Kanya

(Mateo 25 : 41 -Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel ).

Subali't dahil din sa pagkakasala ng tao dahil sa pandaraya sa kanila ng Diablo ay Napabilang sa kahatulan .

( Mga Taga-Roma 13 : 2 - Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili )

Ang impiyerno ay umiiral bilang isang lugar ng katarungan - isang huling paghihiwalay sa Diyos para sa mga tumatanggi sa Kanyang pag-ibig, awa, at katotohanan. Dahil ang Diyos ay banal , matuwid at makatarungan, ang kasalanan ay dapat parusahan; Hindi niya maaaring balewalain ang kasamaan. Ngunit sa Kanyang awa, ipinadala Niya si JESUCRISTO upang iligtas ang sangkatauhan mula sa parusang iyon

( John 3 : 16 - Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan ) .

Ang mga tumatanggap kay Jesus ay tumatanggap ng kapatawaran at buhay na walang hanggan, habang ang mga tumatanggi ay nananatili sa ilalim ng paghatol. Ang impiyerno ay hindi simbolo ng kalupitan ng Diyos kundi ng Kanyang katuwiran — isang paalala na ang mga pagpili ay may walang hanggang kahihinatnan, at ang pagnanais ng Diyos na ang lahat ay bumaling sa Kanya at maligtas

(2 Pedro 3:9 - Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi ).

Kaya mga kapatid muli kayong magsilapit sa Dios sa pamamagitan ni JESUCRISTO upang tanggapin siya bilang Panginoon at tagapagligtas at magkaroon ng tuwirang pagsisisi sa mga nagawang mga kasalanan . Hindi pa huli ang lahat .

Sumainyo ang biyayang ipinagkakaloob ng Dios. Amen






14/01/2025

Mapanakit man ang mundo , sadista man ang mga tao . Walang ibang makakatulong sayo kundi ikaw mismo .

15/01/2023

Welcome year of the water rabbit

Real man have bunnys
16/10/2022

Real man have bunnys

05/10/2022
30/09/2022

What's in are mind ?

How to improve my Rabbitry .

Good for rabbit meat
18/09/2022

Good for rabbit meat

Address

107 Yujuico
Tanay
1980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kuya Jha Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share