
02/04/2025
Alam mo habang tumatanda ako, mas nagiging malinaw na sakin kung sino lang talaga yung worth it paglaanan ng oras at energy. Kung hindi nakakatulong sa mental health, finances, o peace of mind, bakit ko pa papayagang manatili?
Wala na ‘kong guilt sa pag-cut off, kahit gaano pa kahaba o kalalim ang pinagsamahan. Hindi naman kasi lahat meant to stay, at hindi rin obligasyon na tiisin ang mga hindi na healthy sa buhay natin.
Maging mabait, oo. Matulungin, pwede. Pero wag magpaubuso.
Some people are just passing through—at ayos lang ‘yon.