19/09/2025
โ๐ฆ๐ฎ ๐๐ถ๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ป๐ถ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ.โ
Sino ang maaaring magsilbing tulay sa mga taong palaging inaasahang umalalay? Sa mundong puno ng kabataang kailangan ng gabay, may g**ong palaging handang sumubaybay hanggang sa rurok ng tagumpay, hindi inaalintana kahit pagod na at malaylay. At sa patuloy na pag-inog ng buhay, patuloy rin silang lumalaban sa tanikala bilang isang tagapatnubay.
Isa sa mga g**ong sinubok ng propesyon ay si ๐๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ mula sa ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต-๐ง๐ฎ๐ป๐ฎ๐. Sa loob ng tatlong taon niyang karanasan sa pagtuturo, hindi niya ikinaila ang hirap na kaniyang dinanas dahil sa mataas na ekspektasyon, kawalan ng kasangga, pagsugpo sa problema nang mag-isa, at istiryotipikong "hindi na kailangan ng tulong ng mga g**o sapagkat alam na nila ang lahat". Kaugnay nito, inamin niyang may dalang lunos ang mga ito. Aniya, tao lang din sila na nahihirapan sa maraming bagay at palaging bukas na tumanggap ng pangaral sa ibang tao.
Dagdag pa niya, maraming beses na niyang ginustong huminto, sa kadahilanang lubos na nitong inuubos ang kaniyang enerhiya. Minsan niya nang naramdamang hindi niya na maayos na nagagawa ang kaniyang adhikain para sa mga estudyante. Dumating na rin sa puntong nasambit niya ang katagang "sa una lang pala talaga ito masaya."
Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap, nanatili siyang matatag at kasalukuyang pinagpapatuloy ang pangako na maging tulay sa mga mag-aaral na maabot ang kanilang pangarap. At ang mga estudyanteng nagkaroon ng pag-unlad hindi lang sa akademiko at maging sa buhay, ang isang bagay na nagbigay sindi sa kaniyang pawala-walang siglang motibasyon sa larangan ng edukasyon.
Bitbit man ang bubog sa damdamin at mugto man ang mata dulot ng pagdaloy ng luha, pumapasok pa rin siyang nakangiti at nagpapakita ng masayang bersyon ng kaniyang sarili. At sa bawat pagbigkas niya ng mga salita, sumasalamin ang pagmamahal sa pagbahagi ng kaalaman sa kapwa at kagustuhang pagsibulin ang kanilang pag-asa.
Sa madaling salita, isang patunay ang kwento ni Ginoong Jan Kaiser Nario na hindi madali ang maging g**o. Darating ang mga araw na ang salitang pahinga ay magmimistulang bula sa tubig at mamumutawi ang sitwasyon kung saan sumisigaw ang utak na "ayoko na" habang sinasabi ng pusong "sige pa dahil kailangan ka ng mga bata."
Maraming araw ang lilipas, maraming bagay ang tuluyan nang kakalas, at maraming pangyayari ang kukupas, ngunit ang mga aral na itinanim, at mga talentong tinulungang hulmahin ng mga g**o ay hindi kailanman magiging bulong sa hangin. Dahil sa huli, ang mga g**o ang ina ng iba't ibang propesyon, at kung wala sila, hindi natin malalaman kung ano ang gamit ng mga letra.
โ๏ธ : Glenna Ugpo
๐ท : Glenna Ugpo
๐ฑ๏ธ : Arianne Mae Ariate