Ang Bakuod

Ang Bakuod Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Tanay West Integrated National High School

๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐| Dilat hanggang halalan Sa nalalapit na taong 2025 ay muli na namang haharap sa isang masusi, mapanuri, at malak...
31/10/2024

๐Ž๐๐ˆ๐๐˜๐Ž๐| Dilat hanggang halalan

Sa nalalapit na taong 2025 ay muli na namang haharap sa isang masusi, mapanuri, at malaking pagdedesisyon ang mga botante kung sino ang karapat-dapat sa posisyon sa senado.

Natapos na nga ang walong araw na paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa national positions ng pagkasenador sa Eleksyon 2025. Inilabas na rin ng Comission on Elections (Comelec) ang bilang ng mga naghain ng COC para sa pagkasenador, mula Oktubre 1 hanggang 8, 184 ang naghain ng kandidatura sa pagkasenador ngunit 12 lang ang maaaring maupo sa pwesto.

Ito na ngayon ang signos nang nalalapit na halalan, ang panahon kung saan binibigyan ng pagkakataon na itakda ang mga napupusuang kandidato sapagka-senador.

Ang mga tatakbong kandidato ay nagmula sa iba't- ibang larangan, ang ilan ay nagmula sa angkan ng politiko, showbiz, at ang iba ay mga negosyante. Ngunit ang iba ataโ€™y tumakbo hindi upang maging boses ng masang Pilipino kundi ipako ang mga pantasyang kalimitang ipinapangako. Madaling tumakbo at maghain ng mga pangako ngunit isang malaking responsibilidad at tungkulin ang tuparin ang mga ito. Nararapat bang hayaan na makakaupo sa pwesto ang mga hindi karapat-dapat? Ang mga walang maiaambag? Ang mga tumakbo hindi upang maglingkod? Ang mga namumulaklak ang mga salita ngunit pipiโ€™t bingi sa sigaw at hinaing ng tao? Ang mga nangangako ngunit tilaโ€™y martilyong pumupokpok sa pag-asa ng sambayanang Pilipino?

Buksan ang mga mata, huwag magbulag-bulagan at maakit sa mga salita sa kung sino ang mayaman, at kilala. Huwag gawing biro ang halalang pangsenador, minsan nang nagkamali ang mga Pilipino nararapat nang ituwid upang hindi na muling bumaliktot.

Ang senador ay hindi lamang basta isang posisyon, ito ay kasapi ng institusyon na malaki ang magiging ambag sa pagtatalaga ng mga batas, paglilitis ng mga kaso, at bumubusisi sa mga kasunduang mapapakinabangan ng mga Pilipino. Nararapat na piliin ang senador na may interes na maglingkod at hindi magpasikat sa tao, senador na magiging mukha ng senado, matalino, mahusay, tapat, at kumililos na may katuturan para sa kapwa Pilipino.

Hindi laro ang halalan, sa bawat boto sa balota nakasalalay ang pangalan ng lider na magtatalaga ng kinabukasan para sa bansa. Huwag magpabulag sa akit ng mga salita at alon ng dila, ang bawat boto sa balota ang aakay sa tulay na pag-asa para sa kinabukasan ng bansa.

๐‘ฐ๐’”๐’Š๐’๐’–๐’๐’‚๐’• ๐’๐’Š:
๐—ฅ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ป ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ | Tagapamahala sa Editoryal
๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’‘๐’Š๐’Œ๐’:
๐—ก๐—ถ๐—ฐ๐—ธ ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒw ๐—•๐—ผ๐—ฟ๐—ฏ๐—ฒ | Tagapamahala sa Kartuning

๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐€๐๐”๐๐’๐˜๐ŽMagtatalaga ng pagpupulong ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’Œ๐’–๐’๐’…, ang opisyal na pahayagan ng Tanay West Integrated National High...
24/09/2024

๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž

Magtatalaga ng pagpupulong ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’Œ๐’–๐’๐’…, ang opisyal na pahayagan ng Tanay West Integrated National High School, bukas, Setyembre 25, 2024, sa ganap na ika-12 ng tanghali sa SHS Laboratory. Malugod na inaanyayahan ang mga mag-aaral na interesadong sumali, pati na rin ang mga kasapi ng Editorial Board ng Ang Bakuod at mga manunulat na lumahok sa nakaraang Tanay Sub-Office District School Press Conference sa indibidwal na kategorya.

Inaasahan ang aktibo ninyong pakikilahok sa pagpupulong na ito. Maraming Salamat.

๐™„๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž:
๐— ๐—ฎ. ๐—๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ถ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜„๐—ถ | Tagapamahala sa Pagsulat ng Isports

๐™„๐™ฃ๐™ž๐™ฌ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™ž
๐—–๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ป ๐—ฆ. ๐—˜๐—ป๐—ฟ๐—ถ๐—พ๐˜‚๐—ฒ๐˜‡ | Punong Patnugot

๐€๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌMuling magbubukas ang tarangkahan ng ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ค๐ฎ๐จ๐, Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Tanay West Int...
16/09/2024

๐€๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ

Muling magbubukas ang tarangkahan ng ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ค๐ฎ๐จ๐, Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Tanay West Integrated National High School (TWINHS) para sa taong panuruan 2024-2025. Sa bawat sipi ng pahina, salin ng salita, at balita, matutuklasan ang diwa ng tunay na tinig ng mga tinta. Hatid ang balita sa pamamahayag, saan man at kailan man magiging tutok ang mga panulat sa pagiging tapat at tiyak.

Inaanyayahan ang lahat ng nagnanais maging bahagi ng pahayagan na magsumite ng kanilang mga akda at aplikasyon. Lahat ng aplikante ay kinakailangang dumaan sa mabusising pagsusuri upang matiyak ang kalidad at pagiging angkop ng kanilang kontribusyon.

1๏ธโƒฃ: Punan ang mga hinihinging impormasyon sa Application Form.

Link: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeOXPwQdJj59l2TmP1NioH07N8sHz5KzX8Vd4Tg8zf0W0n2YA/viewform?usp=sharing

2๏ธโƒฃ:Hintayin ang personal na mensahe ni Clariza Ann Enriquez, Punong Patnugot, ukol sa kailangang isumite na awtput.

Para sa mga detalye at iba pang impormasyon, maaring magpadala ng mensahe sa page ng ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ค๐ฎ๐จ๐, o โ€˜di kayaโ€™y personal na makipag-ugnayan kina G. Aysonel B. Limpiado at Gng. Mary Grace R. Andrade, mga gurong tagapayo.

๐Ÿ“๐ˆ๐ฌ๐ค๐ž๐๐ฒ๐ฎ๐ฅ:
โ—Setyembre 16 hanggang 21 (Application Period)
โ—Setyembre 25 (Deadline of Submission of Output)

๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ธ๐—ผ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜†:
Lea Morine Alalid | Tagadisenyo ng Pahina

Address

Wawa
Tanay
1980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Bakuod posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share