04/10/2026
Yung iba, successful sa iba’t ibang career nila. Mataas ang mga katungkulan, maraming achievements, at malayo na ang mga narating.
Ako? Isa sa pinakamalaki kong achievement ay ang husband ko. ❤️
Sabi nga nila, “Magkamali ka na sa pagpili ng mga bagay, pero huwag kang magkakamali sa pagpili ng taong makakasama mo habang buhay.”
Hindi ko ito pino-post para magyabang. Ano pa ba ang ipagyayabang ko? 😂 Marami namang mas malayo na ang narating, mas maraming achievements, at mas successful sa kani-kanilang larangan.
Masaya lang po ako, pagbigyan nyo na😘
Masaya ako na kahit hindi ko man makuha ang lahat ng gusto ko sa buhay, kahit hindi man ako maging successful sa lahat ng bagay, binigyan ako ng Panginoon ng biyaya at habag na matagpuan ang isang taong pipiliin pa rin akong mahalin kahit ilang taon na ang lumipas.
Sa mundong puno ng achievements, titles, at milestones, isa sa pinakamasarap na achievement para sa akin ay ang magkaroon ng taong kasama ko pa rin, mahal ako, at mahal ang pamilya namin. ❤️
Masyado atang in love ang teacher niyo.
Sorry naman na. 🤣😂❤️