04/09/2026
Happiest Birthday sa ka-camping buddy namin ni Daddy! 🏕️🤎 Minsan anak kita, minsan kalaban kita, minsan best friend kita—depende sa mood nating dalawa. 🤣 Pero kahit gaano tayo kadalas magtalo, ikaw pa rin ang isa sa pinakamamahal kong tao sa mundo. 🥹❤️
Happy 14th Birthday, Meggy! 🎂💐
14 years na kitang mahal, inaalagaan, pinagsasabihan… at kinakausap kahit minsan parang naka-Do Not Disturb ang utak mo. 🤣🥴
Sorry, Anak… first time mong mag-birthday na wala si Daddy. 🥺 Alam kong naiintindihan mo naman kung bakit, pero sana alam mong kahit wala siya ngayon, walang nagbabago sa pagmamahal namin sa’yo.
Mahal na mahal ka namin, Baby Girl! 🤎💐😘
Enjoy your day, and always remember that Mommy and Daddy will always be your biggest supporters. ❤️