02/03/2025
๐๐๐๐๐๐ I TUBIG TO RISK!
Kakulangan ng tubig banta sa kalusugan
Hinamon ang matataas na lugar sa lungsod ng Tandag kabilang na ang Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa matinding kakulangan sa suplay ng tubig na pinangangambahang magdudulot ng problema sa kalusugan, hygiene, at magpalala sa umaalingasaw na amoy ng mga palikuran, simula pa nitong Septyembre hanggang sa kasalukuyan dahil sa pagtagal ng tag-init.
"Sa ibang lugar, sumusobra โyung suplay. tayo naman palaging kulang," ani Ronelio Tajonera, Head of Operations and Learnersโ Support ng JPENHS.
Bagamaโt may mga tangke na sa loob ng paaralan at sa iilang parte ng lungsod para mag-imbak ng tubig, hindi ito sapat para tuluyang matugunan ang kakulangan ng suplay.
Sa pahayag ni Engineer Adrian M. Geli ng Tandag City Water District (TCWD), isa sa mga problema ng pagkawala ng tubig kahit man tag-ulan ay ang pagkakaroon ng power outage sa pumping stations, bulk water plant, at turbid water, mahigit 75% sa matataas na lugar sa Tandag ang apektado nito.
Sa kanyang pahayag, apektado raw ang paaralan dahil sa lokasyon nito na malayo sa pinanggalingan mismo ng tubig.
Kasabay din kasi ng pagtagal ng tag-init ay ang malalakas na buhos ng ulan na nakapipinsala sa mga pumping station kaya maging sa tag-ulan ay inaasahan ang pahirapan sa pag-iimbak ng tubig.
Dagdag pa ni Tajonera, may panukalang daragdagan na ang mga tangke sa matataas na lugar kagaya ng JPENHS para matugunan ang problema ng suplay sa tubig.
Sa kabilang banda, nahihirapan ang mga nagmamay-ari ng karenderya malapit sa ospital at paaralan sa kawalan ng tubig na kadalasang walang pinipiling oras ng pagkawala.
Ayon kay Desa Sabal, isang trabahador sa karenderya, โMahirap po talaga lalo na kapag dumadami na ang mga customer, hirap kami sa pag huhugas ng pinagkainan.โ
Patuloy na umaasa ang mga residente na mabigyang pokus na ang pagdadagdag ng tangke at matugunan ang kakulangan ng suplay sa tubig.
๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ I Ashley Patis
๐๐ฎ๐ก๐ ๐ง๐ข I Anja Moral