21/12/2025
LEVISTE: ‘LISTAHAN NG INSERTIONS, NASA COMPUTER NI CABRAL’
Ibinunyag ni Batangas Rep. Leandro Leviste na may umano’y listahan sa computer ng yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral na naglalaman ng lahat ng proponents ng mga insertions sa budget ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Leviste, iilan lamang ang may hawak ng kopya ng naturang listahan, at kapag ito raw ay lumabas sa publiko, mabilis nang matatapos ang mga kasalukuyang imbestigasyon kaugnay sa DPWH insertions.
“May listahan sa computer ni yumaong USaEC. Cabral ng lahat ng proponents ng DPWH insertions. May iilang may kopya nito. Kung lumabas lang ito, tapos na ang mga imbestigasyon,” pahayag ni Leviste.