10/09/2025
Nung nakaraang linggo, sabi ko alisan na ng damit si Mayari dahil maliligo na. Nagpapaligo kasi ako kay Mayumi. Aba, walang narinig. Si Mayari, nakiusap na rin na alisan nga siya ng damit kasi nga maliligo. Aba, parang hindi rin siya narinig dahil nakaupo pa rin. Kaya ang ginawa ng bata, tumakbo sa kanya, ayun nadulas at pumutok ang labi.
Kagabi, binigay ko saglit si Mayumi kasi ire-ready ko ang gamot ng bata. Sabi ko buhatin na para tuloy-tuloy na ang pag-inom nang makatulog na. Hindi niya ginawa. Nakatayo na pala si Mayumi, naglakad. Pero siya nakahiga pa rin. Ayun, nadapa yung pinapabantay ko, ang lakas ng hampas ng mukha sa kahoy. Bukol.
Ang akin lang, buong araw kong inaalagaan silang dalawa araw-araw at kaya ko silang i-monitor nang sabay. Hindi ko inaalis sa paningin ko at mas lalong nasa gilid lang nila ako palagi. Ok nang magutom ako at hindi makaligo, basta hindi ko sila pwedeng iwan nang sila lang. Ang nakakasama lang ng loob, minuto lang inasahan sa mga anak, ganyan pa mga nangyari.
Please lang, hindi aksidente ang tawag don. Kapabayaan. Dahil kung binantayan at inalagaan nang maayos, edi sana hindi nasaktan ang mga bata.
Gusto ko lang talaga i-release itong sama ng loob ko. Thank you.
For Sale: tatay
Issue: walang dad's reflex