07/12/2025
“NGAYON mo SABIHIN na SAFE ang V**E .”‼️
Habang komportable kang humihigop ng usok at nakaupo sa comment section, may mga pasyente ngayong nakikipaglaban sa mabibigat na komplikasyon matapos ang taon-taong paggamit ng v**e—mga kwentong hindi gawa-gawa, kundi mga real-life cases na nakikita ng mga health workers araw-araw. Isang 26-anyos na lalaki, pitong taon nang gumagamit ng v**e, ang nagkaroon ng matinding problema sa baga at inuwi sa ospital na may napakaraming fluid sa loob at sobrang taas na blood pressure.
Samantala, isang 29-anyos na babae, limang taon nang nagvav**e, ang ngayon ay may malalang asthma attack at naka-tube para makahinga. Habang may mga nagsasabing “Okay naman ako, matagal na akong nagvav**e” o naniniwalang gawa-gawa lang ang mga babala, tanungin mo ang sarili mo—sigurado ka ba? Va**ng is your choice, pero ang epekto ng usok mo sa ibang tao, hindi nila pinili. Kaya sana, kung talagang hindi mo mabitawan, huwag mo namang ambunan ng usok ang mga nasa jeep, parke, labas ng tindahan, basketball court, gym, o kahit habang naka-motor ka. Gamitin mo kung gugustuhin mo, pero huwag mong idamay ang baga ng iba. At kung sa huli, mauwi rin sa ospital ang “okay lang ‘yan” mentality, tandaan mo—walang usok ang 100% safe, at ang kalusugan mo ay hindi laruan. Laging tandaan: mas madaling umiwas kaysa magpagamot.