
29/08/2025
๐ ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ถ๐ผ๐น๐ฎ, ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐น๐ผ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ธ๐ผ๐ฟ ๐ป๐ฎ ๐ฒ-๐ฌ.
Sa isang matinding sagupaan sa championship ng Lawn Tennis, pinatunayan ni Xian Kailee Manlongat ng Tanauan National High School (TNHS) ang kaniyang galing sa court matapos talunin si Sam Mendiola ng Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries (TSCHI) sa iskor na 6-0 sa isang set lamang sa Municipal Meet 2025 na ginanap sa Tanauan Public Plaza Tennis Court ngayong Biyernes, Agosto 29.
Nag-umpisa ang laban kung saan si Mendiola ang unang nag-serve ngunit agad itong nagkaroon ng fault at sa ikalawang serve ay nakapasok ito ngunit mabilis na kumamada si Manlongat at tinapos ang unang laro sa 1-0 at sinundan ito ng sunod-sunod na puntos sa ikalawa, ikatlo, at ikaapat na laro kung saan hindi na nakabawi si Mendiola dahil sa mga fault serve, out ball, at matitinding palo ni Manlongat kayaโt lumobo ang iskor sa 4-0.
Sa ikalimang laro ay muling bumalik si Mendiola sa serve ngunit hindi pa rin siya nakalusot sa depensa ni Manlongat na patuloy ang pagdomina hanggang sa makuha ang 5-0 at sa huling sagupaan ay tuluyang tinapos ni Manlongat ang laban sa pamamagitan ng tatlong sunod na puntos na nagpako sa kanyang tagumpay sa iskor na 6-0.
Kahit hindi dinagsa ng mga manonood ang laban, nanatili ang presensya ng ilang masugid na tagasuporta at mga coach mula sa bawat koponan na buong puso ang pagbibigay ng lakas ng loob at gabay sa kanilang mga manlalaro hanggang sa huling rally ng laban.
Sa isang panayam kay Manlongat matapos ang laban, masaya niyang binahagi ang kaniyang mga paghahanda at pasasalamat sa pagkakataong makalaro muli sa mas mataas na antas ng kompetisyon.
โMalipay ako kay nagpriprinaktis ako adlaw-adlaw para makabawi, amo yana malipay ako kay upod na liwat ako ha Area Meetโโ saad ni Manlongat matapos ang laban.
via Rolando Mendiola | An Paghurma Isports
Mga Larawan ni Jenica Lanza
Pag-aanyo nina Ashley Salve at Jyrhell Mark Madrigal | An Paghurma Layout and Production Team