
13/11/2024
Grade 3 student na tumatawid papunta sa paaralan, patay
Patay ang 9-anyos na estudyante matapos mahagip ng isang motorsiklo sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Batay sa imbestigasyon, patawid sa kalsada papunta sa paaralan ang Grade 3 student nang mangyari ang insidente. Isinugod siya sa ospital ngunit namatay kalaunan.
Arestado ang rider na pansamantalang nakakulong sa Lapu-Lapu Detention Facility. Giit niya, hindi niya namalayan ang pagtawid ng bata. Nangako siyang tutulong sa pamilya ng biktima. Mahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
📷 Lapu-Lapu City Police Office
I-click ang link sa comments section para mapanood ang ulat.