23/05/2023
Long post ahead...
Parang kelan lang pangarap ko lang na maging isang nanay, madaming luha, lungkot, sakit at disappointment ang naramdaman ko sa tuwing magkakaroon ako ng monthly period. Gayun pa man, hindi ako nawalan ng pagasa kasi naniniwala ako na dadating din yun kung yun ang kagustuhan ni GOD. Pero minsan naiisip ko din, siguro hindi kasama sa plano ni GOD para saken ang maging isang nanay. Ganun pa man ginawa pa din namen ang alam namen na paraan para mabigyan ng anak.
With the help of your supportive tatay, inintindi niya ako sa tuwing iiyak ako sa kanya and lagi niya ina assure saken na hindi magbabago love niya saken, meron o walang anak. Kung saan saan kaming simbahan pumunta ni tatay mo para ipanalangin kay God na sana bigyan kami nang pagkakataon na maging isang magulang. Lahat siguro ng herbal nainom ko na. Minsan sabi ni tatay anak, siguro nababaliw na ako kasi kung ano ano iniinom ko. Pero dahil alam ko love ako ni tatay hinayaan niya lang ako sa mga kabaliwan ko. 😅😃🤣.
Kulang nalang siguro ang sumayaw sa Obando. 😅
Nagpaalaga din kami sa doctor ng 3 taon. Sabi ni Doc Duanne So wala naman problema, kailangan lang timing. Tagal naman ng timing. 😅😃😅
Indeed God's plan is greater than my plan, dumating ka sa buhay namen, sabi nga sa basketball buzzer be**er.. 🤣
I got you when I was at my 40. First PT ko na positive, hindi ako naniniwala kasi baka false positive lang, then pinakita ko kay tatay akala niya pinaprank ko siya. Totoo na nga buntis na ako, super excited pumunta ako agad kay Doc Duanne.
Mix emotion ang naramdaman ko nung nahawakan at nayakap kita. Sa tuwing titigan kita mas lalo ko nararamdaman ang pagmamahal ni LORD sa amin ni tatay.
Ikaw ang pinakamagandang regalo natanggap namen ni tatay galing kay God. Ikaw ang magiging paalala samen ni tatay para pagbutihan pa lalo sa araw araw. Gagawin namen ang lahat para maging mabuting magulang. Mahal namen ikaw Moe! Salamat dahil sayo kumpleto na kami ni tatay. We have you our dearest Moe.
Your name means:to love, God's helmet" or "saviour"
Thank you Lord for entrusting us with our little Moe. Please guide and be with us in raising and training her to be the person you planned her to be.
PS.
Sa mga katulad ko na dumadaan sa infertility problem, huwag kayo mawawalan ng pagasa. Pray and pray harder hangggat makulitan si God at ibibigay niya ang pinakamimithi ng puso mo.
At dun sa pamilya, friends, colleague paalala lang po be sensitive enough wag niyo na dagdagan ang pressure. Wag tanong ng tanong bakit hindi pa nagkakaanak. Sino may problema bakit hindi nagkakaanak
Ganern!! 😅😘