08/11/2025
Been stressed lately. Alam mo yung pakiramdam na kahit gaano ka magsumikap, parang wala pa ring pagbabago sa takbo ng income? Ganun ‘yung nararamdaman ko sa printing shop ko ngayon. Isang taon at limang buwan na akong nagpi-printing, home-based lang, at may chance naman sana na gawin nang actual shop sa harap ng bahay.
Ngayon ko lang talaga na-realize… sana noon pa pinakinggan ko yung gut feeling ko. Sana ginawa ko na yung idea ko, kahit risky. Kasi kung tutuusin, mas okay na magk**ali ka dahil sinubukan mo, kaysa yung nagdalawang-isip ka tapos sa huli, puro “sayang” lang ang natira.
Sana hindi ako masyadong nakinig sa mga negative comments na “naupa lang tayo, hindi rin magtatagal tayo dito.” Siguro kung mas pinakinggan ko sarili ko at ginawa ko na yung plano, kahit hindi ibawas sa upa, baka ngayon mas maganda na ang pasok ng customers. Baka kahit paano, may growth na.
Ang sakit din isipin na parang nasayang ung isang taon at limang buwan kasi kung noon pa lang nag-risk ako, baka iba na ang kwento ngayon. Pero siguro ganun talaga, kailangan mong maramdaman yung ganitong realization para mas matuto ka.
Minsan talaga, mas okay na sumugal kahit matalo sa huli. At least sinubukan mo, at least may dahilan ka para sabihin sa sarili mo na “ginawa ko naman lahat.”
Wala lang, napakape lang ako. Iniisip ko ulit kung mag-loan ba ako para ituloy, o ipatalo ko na lang ulit. Pero this tim baka pakinggan ko na yung sarili ko. ☕️