DZTC Radyo Pilipino Tarlac

DZTC Radyo Pilipino Tarlac This is the Official Page of DZTC Radyo Pilipino Tarlac. We believe that we are an inspiration of pos

REST IN POWER, "HITMAN"
14/09/2025

REST IN POWER, "HITMAN"

13/09/2025



PANOORIN: Daloy ng trapiko sa ilang lansangan sa Tarlac City ngayong Gabi, September 13, 2025.

BAGONG COVERED COURT SA ANAO, TARLAC, PINASINAYAANPinasinayaan ang bagong tayong covered court sa Barangay San Francisco...
13/09/2025

BAGONG COVERED COURT SA ANAO, TARLAC, PINASINAYAAN

Pinasinayaan ang bagong tayong covered court sa Barangay San Francisco West, Anao, Tarlac ngayong araw, September 13, 2025.

Ang blessing at inauguration ay pinangunahan ni Tarlac 1st District Rep. Jaime Cojuangco katuwang sina Anao Mayor Jappy De Dios, Vice Mayor Concepcion Almazan, SB members, at iba pang mga opisyal ng barangay.

Ani ni Cong. Jaime, "Napakasarap pong makita ang isang proyektong tulad nito na tunay na makikinabang ang buong barangay."



📷Jaime Cojuangco/Facebook

TINGNAN: Isinasagawa ngayong Sabado, September 13 ang repair works sa nasirang bahagi ng d**e sa Barangay Cacamilingan N...
13/09/2025

TINGNAN: Isinasagawa ngayong Sabado, September 13 ang repair works sa nasirang bahagi ng d**e sa Barangay Cacamilingan Norte, Camiling, Tarlac.

Layunin ng pagkukumpuni na matiyak ang kaligtasan ng mga residente at mapigilan ang posibleng pagbaha sa lugar.



📷Castro Princess

Pag-IBIG Fund urges North Luzon stakeholders to support expanded 4PH programLOOK: Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta high...
13/09/2025

Pag-IBIG Fund urges North Luzon stakeholders to support expanded 4PH program

LOOK: Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta highlights the expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino program during the North Luzon StAR event in Pampanga, encouraging stakeholders to help more Filipino workers achieve their dream of homeownership.

13/09/2025

With Special Guest:
MARK VINCENT T. MALIG
OPERATIONS MANAGER - RJAB CORPORATION-TARLAC

MGA PAGKAING PANGONTRA DAW SA MAAGANG PAG-UULYANIN AT ATAKE SA PUSO-INIHAYAG NG MGA EKSPERTO

AND TECHNOLOGY

ANO DAW ANG KAIBAHAN NG ALLIGATOR SA CROCODILE AYON SA MGA SCIENTIST?



SAAN NAGANAP ANG ISA SA SINASABING PINAKANAKAKATAKOT NA “PRANK” SA MUNDO?

TO REMEMBER

ANO ANG MAINAM GAWIN KAPAG NAGLOKO ANG SINASAKYANG ELEVATOR UPANG MABUHAY KA PA AT MAKALIGTAS SA KAPAHAMAKAN?



SINO ANG SINASABING PINAKA-SLOW NA KRIMINAL SA DAIGDIG?

TITSER

GABAY SA BALIKBAYAN NA MINALIIT NG BINIBILHANG SIGNATURE SUNGLASSES DAHILAN SA NAKA-SHORTS LAMANG AT TASTAS NA SANDO.

For more lessons, quotes tips, and trivia tune in to Professor on Air every Saturday 10-11am at Radyo Pilipino! LIKE, FOLLOW, & SHARE

https://www.facebook.com/radyopilipino
and
https://www.facebook.com/ProfessorOnAir1971

TARLAC CITY HONORS RESCUE HEROESNagbigay-pugay nitong Biyernes, September 12 ang City Government of Tarlac sa mga search...
13/09/2025

TARLAC CITY HONORS RESCUE HEROES

Nagbigay-pugay nitong Biyernes, September 12 ang City Government of Tarlac sa mga search and rescue frontliners na nagligtas sa dalawang kabataan sa Sitio Pangulo, Carangian noong September 3-4, 2025.

Pinangunahan ni Tarlac City Mayor Susan Yap ang pasasalamat sa Tarlac Police Provincial Office, Tarlac City Police Station, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, City Public Order and Safety Office, City at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices, at Provincial Equipment Pool Office at mga volunteers.

“Maraming salamat po sa mga nag-rescue, ‘di po kayo sumuko kaagad at ‘di niyo po kami pinabayaan,” ani naman nina Jansen at Kevin.

Samantala, inanunsyo rin ni Mayor Yap ang plano na magpanukala ng mga programang pangkaligtasan, kabilang ang libreng swimming lessons para sa mga residente.



📷Tarlac City Government/Facebook

DTI, LGU SANITIZE USE OF FAULTY WEIGHING SCALES IN PURA PUBLIC MARKETA market saturation drive was conducted at the publ...
13/09/2025

DTI, LGU SANITIZE USE OF FAULTY WEIGHING SCALES IN PURA PUBLIC MARKET

A market saturation drive was conducted at the public market of Pura, Tarlac led by the Office of the Municipal Treasurer of the Local Government Unit (LGU) as mandated by the Consumer Act of the Philippines, in coordination with the market supervisor.

The operation was a result of the strengthening of the Local Price Coordinating Council stemming from the coordination of DTI with all LGUs in the province.

The combined effort aimed to ensure protection of the buying public from deceptive and unfair business practices through the observance of proper weights and measures.

DTI Tarlac Acting Division Chief Maria Divina Gloria Ramos emphasized the importance of fairness in trade and safeguarding consumer rights.

“Consumers pay the proper price for every product they purchase. Therefore, it is only fair and just that these products are sold at the correct weight. Should there be any doubt about the weight of the products they bought, they can verify it using the Timbangan ng Bayan located inside the public market,” she said.

Together with the BPLO and the DTI, the Tarlac Consumers Council Inc. (TCCI) and Philippine National Police (PNP) took part in the market inspection.

A total of 91 stalls were inspected across the meat, fish, fruit, and vegetable sections.

The saturation drive resulted in the confiscation of 19 digital and analog weighing scales, which were brought to the Office of the Municipal Treasury.

"Tama yan, para alam nila na seryoso tayo na maiayos ang ating pamilihang bayan. " said Mayor John Paul Balmores upon his knowledge of the total count of confiscated weighing scales.

The DTI continues to partner with the LGUs through the LPCCs to widen the spread of consumer protection.



📷DTI Tarlac

  I As of 2:00 AM today, 13 September 2025, the Low Pressure Area (LPA 09c) being monitored inside the Philippine Area o...
12/09/2025

I As of 2:00 AM today, 13 September 2025, the Low Pressure Area (LPA 09c) being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR) has a "LOW" chance to develop into a tropical depression within the next 24 hours.

All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA.



📷DOST-PAGASA/Facebook

12/09/2025

BAKIT NGA BA PAROL ANG SIMBOLO NG PASKO? 🌟🎄

Christmas season na at kapag may parol, siguradong ramdam ang Paskong Pinoy! Hindi lang ito basta palamuti kundi sagisag ng liwanag, pag-asa, at pananampalataya.

Kaya naman, sabay-sabay nating alamin kung bakit espesyal ang parol sa ating kultura at kasaysayan! |

TINGNAN: Bilang bahagi ng pagdiriwang sa nalalapit na ika-68 kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., muling binuk...
12/09/2025

TINGNAN: Bilang bahagi ng pagdiriwang sa nalalapit na ika-68 kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., muling binuksan ngayong Biyernes, September 12 ang Kalayaan Grounds sa Malacañang para sa programang Salo-Salo sa Palasyo.

Personal na nakisalamuha si PBBM kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos, sa kanyang mga taga-suporta na mula pa sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila at Ilocos Region upang maghatid ng pagbati.



📷PCO

DOST set to uplift Aurora agriculture with solar irrigation techLOOK: The Department of Science and Technology facilitat...
12/09/2025

DOST set to uplift Aurora agriculture with solar irrigation tech

LOOK: The Department of Science and Technology facilitates the signing of a Memorandum of Agreement with five farmers’ associations in Aurora for the provision of mobile solar irrigation trailer units under the Community Empowerment through Science and Technology program.

The project aims to provide small farmers with accessible, mobile, eco-friendly, and cost-efficient irrigation in areas where community irrigation systems are limited.

JUST IN: Itinalaga ni House Speaker Martin Romualdez si dating Quad Committee Chair Robert Ace Barbers bilang kaniyang t...
10/09/2025

JUST IN: Itinalaga ni House Speaker Martin Romualdez si dating Quad Committee Chair Robert Ace Barbers bilang kaniyang tagapagsalita. |

ROMUALDEZ, HINDI MAGRERESIGNBREAKING NEWS: Walang planong magbitiw sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez, ayon sa...
10/09/2025

ROMUALDEZ, HINDI MAGRERESIGN

BREAKING NEWS: Walang planong magbitiw sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez, ayon sa kaniyang tagapagsalita na si dating Quad Committee Chair Robert Ace Barbers.

Dagdag pa ni Barbers, wala ring nakikitang plano para sa pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Lumutang ang mga espekulasyon na patatalsikin si Romualdez matapos maiugnay ang kaniyang pangalan sa umano’y maanomalyang flood control projects. |

JUST IN: Tumanggi si Senate President Tito Sotto na lagdaan ang hiling ni Sen. Rodante Marcoleta na mapasailalim sa Witn...
10/09/2025

JUST IN: Tumanggi si Senate President Tito Sotto na lagdaan ang hiling ni Sen. Rodante Marcoleta na mapasailalim sa Witness Protection Program ang mag-asawang Discaya.

Hiniling ni Marcoleta kay DOJ Secretary Boying Remulla na isama ang mag-asawa sa programa matapos nilang idawit ang ilang mambabatas sa umano’y iregularidad sa proyekto ng flood control. |

ABISO: Naglabas ng abiso ang   na bawal muna ang mall-wide sales sa mga piling mall na malapit sa Smart Araneta Coliseum...
10/09/2025

ABISO: Naglabas ng abiso ang na bawal muna ang mall-wide sales sa mga piling mall na malapit sa Smart Araneta Coliseum at SM Mall of Asia Arena sa mga araw ng Men’s World Championship.

Layunin nitong maiwasan ang mabigat na trapiko at dagsa ng tao malapit sa mga venue.

Ang mga apektadong lugar ay ang:

- Smart Araneta Coliseum at SM Mall of Asia Arena mula Setyembre 12 hanggang 14
- SM Mall of Asia Arena lamang sa Setyembre 20–21 at Setyembre 27–28

📷 MMDA / Facebook

“I BELIEVE THAT IF ANYONE SHOULD BE INVESTIGATED, THE FIRST PERSON TO BE INVESTIGATED IS HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ”...
10/09/2025

“I BELIEVE THAT IF ANYONE SHOULD BE INVESTIGATED, THE FIRST PERSON TO BE INVESTIGATED IS HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ”

Inanunsyo si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang kanyang pagbibitiw sa National Unity Party (NUP) at bilang Assistant Majority Leader ng Kamara, kasunod ng umano’y paninira mula sa ilang kapwa miyembro ng partido.

Ayon kay Barzaga, kumalat ang balitang nag-iipon siya ng pirma para patalsikin si House Speaker Martin Romualdez, na mariing niyang itinanggi.

Binigyang-diin niya na kung may nararapat na imbestigahan, dapat unang tutukan si Speaker Romualdez. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

10/09/2025

PANOORIN | Ayon kay Prof. Edmund Tayao, isang kilalang political analyst, hindi na nakakagulat ang mga kaganapan sa Senado kaugnay ng isyu sa flood control projects ng .

Sa panayam ng Pulsong Pinoy, binigyang-diin niya na bagamat may epekto ang opinyon ng publiko sa mga isyung ito, pinabulaanan niya ang mga spekulasyon na ito ay isang 'scripted' na palabas o taktika lamang mula sa Malacañang.

Aniya, mahirap impluwensyahan ang mga Senador.

Gayunpaman, naniniwala si Tayao na mahalaga pa rin sa Senado ang tinig ng taumbayan. |

Para sa iba pang balita, i-like at i-follow ang aming official accounts!

'HINDI 'YAN GAWAIN NG SENADO NA MAG-IMPLUWENSYA NG RESOURCE PERSON'Kinuwestiyon ni Sen. Bato dela Rosa ang desisyon na i...
10/09/2025

'HINDI 'YAN GAWAIN NG SENADO NA MAG-IMPLUWENSYA NG RESOURCE PERSON'

Kinuwestiyon ni Sen. Bato dela Rosa ang desisyon na ilipat si dating DPWH engineer Brice Hernandez mula sa Senado patungong PNP custodial facility, kasunod ng kanyang pag-cite in contempt dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig.

Ayon kay dela Rosa, hindi puwede sundin ng Senado ang kagustuhan na ilipat si Hernandez.

"The reason why the Speaker requested for Brice Hernandez to be detained not in the Senate because for fear of being influenced by any member of the Senate... Sila ay takot sa kanilang ginagawa mismo. Hindi 'yan gawain ng Senado na mag-impluwensya ng resource person... Gawain nila 'yan sa House of Representatives," ani ng senador. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

LOGO NG MASSKARA 2025, SUMASALAMIN SA PUSO NG BACOLOD 🎭  Ipinakilala ang opisyal na logo ng   na may temang 'Mass-Kasing...
10/09/2025

LOGO NG MASSKARA 2025, SUMASALAMIN SA PUSO NG BACOLOD 🎭

Ipinakilala ang opisyal na logo ng na may temang 'Mass-Kasingkasing', na likha ng artist na si Romaine Salmingo. Tampok dito ang iconic na ngiting maskara, na pinagsama sa mga simbolo ng lungsod gaya ng tubo, ang San Sebastian Cathedral, at ang unang MassKara logo.

Ang mga kulay na kahel, berde, bughaw at ginto ay kumakatawan sa lakas, pag-asa, tagumpay, at inobasyon. Ayon sa festival committee, ang logo ay hindi lang disenyo kundi salamin ng pagkatao ng : masayahin, matatag, at may pusong sama-samang lumalaban. |

📷: MassKara 2025/Facebook

'I AM AN EASY TARGET' Ipinahayag ni Senador   nitong Martes na magsasampa siya ng kaso kay dating Bulacan assistant dist...
10/09/2025

'I AM AN EASY TARGET'

Ipinahayag ni Senador nitong Martes na magsasampa siya ng kaso kay dating Bulacan assistant district engineer Brice Ericson Hernandez, matapos siyang idawit sa umano’y mga kuwestiyonableng proyekto sa imprastruktura.

Mariing itinanggi ni Estrada ang mga paratang at tinawag ang mga ito na “kathang-isip at gawa-gawa.”

“Sasampahan ko siya ng kaso,” saad Estrada sa isang press conference.

Sa parehong press conference, muling hamon ni Estrada ang pagsailalim nila ni Hernandez sa lie-detector test, upang aniya'y matukoy kung sino sa kanilang dalawa ang nagsisinungaling.

“I really do not know what his evil intentions are, siguro he wants to get even with me because I’m the one who cited him in contempt at pinakulong sa Senado,” dagdag pa ni Estrada.

Giit pa ng Senador, nakahanda siyang personal na harapin si Hernandez sakaling humarap ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa mga proyektong flood control. | via Anne Go

'KULITANG INA'TINGNAN | Kinagiliwan online ang ibinahaging mga larawan ng komedyante at aktres na si   kasama ang kapwa ...
10/09/2025

'KULITANG INA'

TINGNAN | Kinagiliwan online ang ibinahaging mga larawan ng komedyante at aktres na si kasama ang kapwa komedyanteng si . na nag-ala Sarah Discaya.

“Kulitang ina with my favorite Dismaya!!!” ani Chariz sa kanyang Instagram post.

Hirit ng naman ng ilang netizens "Pinaka easy impersonation ni Idol Michael V. iba ka talaga walang kupas" at "hulmang hulma talaga." |

Courtesy: chariz_solomon/Instagram

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

DOF: WALANG ₱28-B ODA LOAN MULA SA SOUTH KOREANilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi totoo ang mga ulat na may ...
10/09/2025

DOF: WALANG ₱28-B ODA LOAN MULA SA SOUTH KOREA

Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi totoo ang mga ulat na may umiiral na ₱28-bilyong Official Development Assistance (ODA) loan mula sa South Korea para sa Philippine bridges project. Ito ay kasunod ng pahayag ni South Korean President Lee Jae-myung noong Martes na pinahinto niya ang nasabing proyektong nagkakahalaga ng 700 bilyong won (mga ₱28 bilyon) dahil sa banta ng katiwalian.

Ngunit mariing iginiit ng DOF na “categorically clarifies that no such loan exists,” at hindi nagkaroon ng anumang financing agreement sa pagitan ng Pilipinas at South Korea ukol dito.

Dagdag pa ng ahensya, patuloy silang naninindigan sa transparency at accountability bilang tugon sa tiwala ng kanilang bilateral partners. |

Courtesy: DOF

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

MABUHAY! WELCOME TO PHILIPPINES! 🇵🇭TINGNAN | Nakalapag na ng bansa ang tinaguriang powerhouse teams na USA at Japan bila...
10/09/2025

MABUHAY! WELCOME TO PHILIPPINES! 🇵🇭

TINGNAN | Nakalapag na ng bansa ang tinaguriang powerhouse teams na USA at Japan bilang paghahanda sa nalalapit na FIVB Men’s World Championship 2025 na sisimulan sa Setyembre 12.

Nauna na ring dumating sa bansa ang reigning champions na Italy upang depensahan ang kanilang korona. |

Courtesy: FIVB, PNVF

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

Address

Mc. Arthur Highway, Block 9 San Nicolas
Tarlac
2300

Opening Hours

Monday 4am - 10pm
Tuesday 4am - 10pm
Wednesday 4am - 10pm
Thursday 4am - 10pm
Friday 4am - 10pm
Saturday 4am - 10pm
Sunday 9am - 10pm

Telephone

+639989797162

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZTC Radyo Pilipino Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DZTC Radyo Pilipino Tarlac:

Share

Category