20/12/2025
SARAH DISCAYA, SUMAILALIM SA MEDICAL SCREENING BAGO ILIPAT SA LAPU-LAPU CITY JAIL
Isinailalim sa medical screening ang contractor na si Sarah Discaya matapos siyang ihatid ng mga operatiba ng NBI–Central Visayas sa isang ospital sa Cebu.
Kasabay niyang sumailalim sa check-up ang walong dating opisyal ng DPWH na nadawit din sa umano’y flood control anomaly.
Matapos humarap sa RTC Branch 27 at maisyuhan ng arrest warrant sa kasong malversation, dinala sila sa ospital bago ang planong paglilipat kay Discaya sa Lapu-Lapu City Jail.
Ang kaso ay may kaugnayan sa sinasabing ghost flood control project sa Davao Occidental.
📷Contributed Photos