12/03/2026
GANITO BA NINYO TRATUHIN ANG MAGSASAKA?
Nakiusap kami ng maayos, at paulit ulit kong pina intindi. Kahit isang container lang dahil kailangan mapatubigan ang taniman, kailangang ma tractor ang lupa. Hindi daw pwede dahil yun ang order sakanila (bawal magkarga sa mga container) kausapin ko nalang daw ung manager, okay po saan ko pwede makausap sabi ko. “Umuwi na po eh” sabi nila.
Okay na sana, kaso ung sasagutin ako ng pabalagbag ng (kahero daw) dahil sinabi kong paano po pala yan idadala namin dito ung motor ng patubig,kuliglig at tractor?“Edi idala mo” AND SO I DID.
Less than an hour ang travel simula bario papunta sakanila kung tractor o kuliglig and idadala isama mo na ang pagbaklas sa mga patubig. Pag balik namin wala na daw diesel. At tumatawa tawa pa ang ibang staff Sabay bulong na “dinala nga nila” Imagine karamihan sa farmers walang 4wheels na diesel engine na pwedeng pa-ihian para maisalin sa ibang gamit pang bukid. At ganun pa ang sasabihin ng staff nila? Idadala ang mga makinarya pambukid sa gasoline station? Konting pag intindi, at maayos na pakikipag usap para sa ating mahal na mag sasaka!