03/10/2026
PCG MINOMONITOR ANG CHINESE RESEARCH VESSEL
Patuloy ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Chinese research vessel na JIA HAI KE 7, kasama ang dalawang China Coast Guard (CCG) vessels na umaalalay dito.
Ayon sa PCG, naglayag pahilaga ang Chinese research vessel patungo sa outer limit ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) sa Luzon Strait.
Samantala, tatlong barko ng Taiwan Coast Guard ang namataan na nagmo-monitor sa mga Chinese vessels, malapit sa BRP Teresa Magbanua na nananatili sa lugar. (📸: Philippine Coast Guard)
Siguraduhing naka-like at follow sa RTV Tarlac Channel 26 page para sa mga napapanahong balita at mahahalagang impormasyon saan mang panig ng Mundo.