20/08/2024
Untitled
Hindi pa ba sapat ang mga titik
upang bumuo ng isang salita?
Ilang mga salita ang kailangang pagdugtungin
upang ang pahayag ay maitala?
Paano iwawasto ang mga pahayag
upang magkaroon lamang ng tugma?
Bakit nga ba kailangan pang itugma
ang bawat taludtod sa saknong ng tula?
Anong pagkalito ito.... tila ang aking pluma
ay naubusan na ng tinta!?
Nakasulyap pa rin sa'yo..... wari ikaw'y
ibong hindi ko maaaring lapitan,
Hindi maaaring maantala ang pag-awit mong
nagpapatila sa ulan.
Ang tinig mo ang ginagawa ko na libangan.
Ang iyong puting balabal ay gaya ng mga
balahibo na s'yang iyong kahayagan!
At ang bawat pagbigkas ng iyong malumanay
na mga labi ay akin ngang hinahangaan!
Narito lang ako..... nag-iisa at tahimik lamang
sa upuang yari sa kahoy,
Nakikinig sa iyong nakakabighaning himig
na may pagdaloy.
Dulot mo sa akin ay kaaliwan
na tila ang mga talutot ay isinasaboy,
Habang ang duyan sa kapayapaan
ay kusang umuugoy,
At sa pithaya'y sinadya ko na magpakalunod,
kahit na ako ay nakakalangoy.
*anong magandang title?