
30/08/2025
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฒ๐๐ !
Ngayong araw, ang La Veritasโang opisyal na publikasyon ng Kolehiyo ng Edukasyon sa Hustisyang Pang-Krimenโay nakikiisa sa paggunita ng National Press Freedom Day, ang pag-arangkada ng tinig tungo sa pakikibaka laban sa panunupil at pananahimik. Binibigyang-importansya natin ang mahahalagang gampanin ng malayang pamamahayag sa pagsulong ng demokrasya.
Alalahanin din natin ang mga Pilipinong mamamahayag na handang ialay ang kanilang buhay at patuloy na lumalaban alang-alang sa paghahatid ng katotohanan. Sila ang nagsisilbing liwanag sa kadiliman at handang tumindig sa kasinungalingan upang imulat ang kaisipan ng bawat Pilipino, sa loob man o labas ng ating bansa.
Patuloy nating pahalagahan at ipaglaban ang ating kalayaan sa pamamahayag upang mapanatili ang kinang ng demokrasya. Mabuhay ang mga tagapagsiwalat ng katotohanan! Mabuhay ang mga Pilipinong mamamahayag!
_____________________________
๐๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ค ๐๐๐ง๐๐๐ซ ๐๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐๐ง
๐๐ข๐๐ฎ๐ก๐จ ๐ง๐ข ๐๐ก๐จ๐ง ๐๐ฅ๐๐ซ๐๐ง๐๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ
๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐จ๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐จ๐