18/07/2026
"Free iPhone" daw? Sorry, pero hindi ikaw ang panalo rito. 🙂
211 MILLION VIEWS.
Ganito kalakas ang inabot ng video ni Ivana Alawi. At malamang, dumaan na rin ito sa feed mo.
Unang-una, gusto kong linawin ito.
Hindi ito post para i-bash si Ivana Alawi.
Ang gusto kong pag-usapan ay ang marketing strategy sa likod ng ganitong klaseng campaign. Dahil kapag naintindihan mo kung paano ito gumagana, mas mahihirapan kang malinlang ng ganitong uri ng promotion.
Aminin natin.
Noong una mong nakita ang post, baka naisip mo rin,
"Follow lang naman. Isang click lang. Baka sakaling manalo pa."
Mukhang harmless.
Mukhang libre.
Mukhang walang kapalit.
Pero tanungin mo muna ang sarili mo.
Kung totoong libre ang iPhone, bakit kailangan mo munang mag-follow ng isang online gambling page?
Isipin mo ito.
Kung ikaw ang may negosyo, mamimigay ka ba ng daan-daang iPhone sa mga taong wala kang inaasahang kapalit?
Siyempre hindi.
Walang negosyong gumagastos ng milyon para lang maging mabait.
Bawat piso na inilalabas nila ay may inaasahang mas malaking balik.
Hindi charity ang ginagawa nila.
Marketing iyon.
Kaya ano ba talaga ang gusto nilang makuha?
Hindi lang reactions.
Hindi lang shares.
Hindi lang followers.
Attention mo.
Kapag finollow mo ang page, unti-unting magbabago ang feed mo.
Mas madalas kang makakakita ng gambling content.
Mas madalas kang makakakita ng winners.
Mas madalas kang makakakita ng jackpot.
Mas madalas kang makakakita ng success stories.
Hindi ka nila pipilitin.
Hindi nila kailangan.
Ang kailangan lang nila ay maging normal sa paningin mo ang online gambling.
Pagkatapos ng ilang linggo o ilang buwan, darating ang araw na:
Stress ka.
Kapos ka.
Na-curious ka.
Maiisip mo,
"Try ko lang naman."
At iyon ang sandaling hinihintay ng buong marketing campaign.
Hindi ang follow.
Yung unang deposit.
Napansin mo ba?
Laging may video ng nanalo.
Laging may malaking cheque.
Laging may bagong iPhone.
Pero kailan ka huling nakakita ng post tungkol sa:
Mga taong naubos ang ipon?
Mga pamilyang nalubog sa utang?
Mga anak na naapektuhan?
Mga relasyong nasira?
Halos wala.
Hindi dahil wala silang kuwento.
Kundi dahil hindi iyon magandang advertisement.
Ito ang hindi napapansin ng karamihan.
Hindi lang iPhone ang ipinapamigay.
Binibili ang attention mo.
At sa panahon ngayon, attention ang isa sa pinakamahalagang currency sa internet.
Kapag nakuha nila ang attention mo, mas madali nilang makukuha ang curiosity mo.
Kapag nakuha ang curiosity mo, mas madali kang maengganyong subukan.
At doon nagsisimula ang tunay na negosyo.
Uulitin ko.
Hindi ito tungkol kay Ivana Alawi bilang tao.
Hindi rin ito tungkol sa paghusga sa kahit sinong influencer.
Ang punto ay simple.
Hindi dahil sikat ang nagpo-promote, ibig sabihin tama na agad ang pino-promote.
Laging gamitin ang critical thinking.
Lalo na kung ang kapalit ng isang simpleng follow ay exposure sa isang industriyang kumikita kapag may natatalo.
Sa susunod na makakita ka ng post na nagsasabing:
"FREE IPHONE! FOLLOW LANG!"
Huwag mong unang itanong,
"Paano sumali?"
Mas magandang itanong,
"Bakit kailangan nila ang follow ko?"
Minsan, ang pinakamahal na bagay na puwede mong ibigay online ay hindi pera.
Attention mo.
At may mga industriyang handang gumastos ng milyon para makuha lang iyon.
Kung umabot ka hanggang dito, i-share mo ito.
Hindi para sa engagement.
Para mas maraming Pilipino ang matutong magtanong bago mag-click.
Note: Galing lang po ito sa post na nakita ko rin din sa FB. Binura ko na ung comments ko sa post ni Ivana Alawi simula un nabasa ko ito. Tama nga naman ang nag post nito.
Ccto: image