
19/11/2024
TRABAHO MUNA:
Mahigit 1,291 Barangay Police Officers (BPOs) mula sa iba't ibang munisipalidad ng Tarlac ang nakatanggap ng tulong mula sa Ayuda para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) nitong ika-12 ng Nobyembre sa Bulwagan ng Gobernador, Tarlac Capitol.
Pinangunahan ni Gov. Susan A. Yap ang pamamahagi ng ayuda, katuwang sina Cong. Christian Yap, Tarlac City Councilor Aro Mendoza, Emy Ladera, at PJ Basangan. Layunin ng lokal na pamahalaan na ipakita ang kanilang patuloy na pagsisikap sa paghatid ng serbisyong malasakit sa mga Tarlakenyo.
Ang AKAP ay isa lamang sa mga programa ng probinsya na naglalayong palakasin ang kabuhayan ng mga benepisyaryo, bigyang-lakas ang kanilang kakayahang harapin ang mga pagsubok, at magbigay ng panibagong pag-asa sa mas magandang kinabukasan.
"AKAPin natin ang Bagong Pilipinas!"