Sari-Sari

Sari-Sari Take delight in the Lord who gives you your heart's desires. - Psalms 37:4

22/10/2024

ISAIAH 65:13-16

13 Kaya ganito ang sabi ng Panginoong Yahweh:
“Ang mga lingkod ko'y magsisikain,
samantalang kayo'y aking gugutumin;
ang mga lingkod ko ay aking paiinumin,
ngunit kayo'y aking uuhawin;
ang mga lingkod ko'y pawang kagalakan ang tatamasahin,
samantalang kayo'y aking hihiyain.
14 Sa laki ng tuwa ay mag-aawitan ang aking mga lingkod,
samantalang kayo'y tataghoy sa hirap at sama ng loob.
15 Ang pangalan ninyo'y susumpain ng aking mga hinirang,
sa kamay ng Panginoong Yahweh kayo'y mamamatay,
samantalang bibigyan niya ng bagong pangalan ang kanyang mga lingkod.
16 Sinuman sa lupain ang nais na pagpalain,
doon siya humingi sa Diyos na matapat.
At sinuman ang gustong mangako,
sa pangalan ng Diyos na matapat, gawin niya ito.
Mapapawi na at malilimutan,
ang hirap ng panahong nagdaan.”

22/10/2024

ISAIAH 65:9-12

9 Pagpapalain ko ang mga salinlahi ni Jacob,
at kay Juda ibibigay ko ang aking mga bundok.
Mananahan doon ang aking mga bayan na naglingkod sa akin.
10 Ako ay sasambahin ng aking mga lingkod, at kanilang pangungunahan ang kanilang mga tupa at baka
sa pastulan sa kapatagan ng Sharon sa kanluran
at sa Libis ng Kaguluhan sa gawing silangan.
11 Ngunit kayo na nagtakwil kay Yahweh
at lumilimot sa aking banal na bundok,
kayo na sumamba kay Gad at Meni, mga diyos ng suwerte at kapalaran;
12 itatakda ko kayong sa espada mamatay,
ang mga leeg ninyo'y tatagpasin ng palakol.
Sapagkat tinawag ko kayo ngunit hindi kayo sumagot,
kinausap ko kayo ngunit hindi kayo nakinig.
Ang ginawa ninyo'y pawang kasamaan sa aking paningin,
pinili ninyo ang hindi nakalulugod sa akin.”

22/10/2024

ISAIAH 65:5-7

5 Ang sabi pa ng isa sa kanila, ‘Lumayo kayo!
Huwag kayong lalapit sapagkat mas malinis ako sa inyo.’
Ang mga taong ito'y parang usok sa aking ilong,
tulad ng apoy na nagniningas sa buong maghapon.
6 Tingnan ninyo! Lahat ay naisulat na sa aking harapan.
Hindi ako maaaring tumahimik.
Ngunit paparusahan ko ang kanilang mga kasalanan; pagbabayarin ko sila,
7 sa kanilang kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ninuno.
Nagsusunog sila ng insenso sa kabundukan
at ako'y sinusuway nila sa kaburulan.
Karapat-dapat na parusa ang igagawad ko sa kanilang mga gawa.

22/10/2024

Parusa sa Mapanghimagsik
Isaiah 65:1-4
1 Sinabi ni Yahweh: “Nakahanda akong sagutin ang panalangin ng aking bayan,
ngunit hindi naman sila nananalangin.
Nakahanda akong magpakita sa naghahanap sa akin,
ngunit hindi naman sila naghahanap.
Sinasabi ko sa bansang ayaw tumawag sa akin,
‘Narito ako upang ikaw ay tulungan.’
2 Buong maghapong nakaunat ang aking mga kamay,
sa isang bansang mapanghimagsik,
at ginagawa ang lahat ng magustuhan nila.
3 Sinasadya nilang ako ay galitin,
naghahandog sila sa mga sagradong hardin,
at nagsusunog ng mga insenso sa mga altar ng pagano.
4 Pagsapit ng gabi'y nagpupunta sila sa mga puntod at nitso
upang sangguniin ang kaluluwa ng patay na tao.
Kumakain sila ng karneng-baboy,
at maruming sabaw ng karneng handog ng pagano.

14/10/2024

1Tesalonica 2:7-12

7kahit may karapatan kaming tumanggap nito bilang mga apostol ni Cristo. Sa halip, naging maaruga kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa mga anak niya. 8At dahil mahal namin kayo, hindi lang ang Magandang Balita ang malugod naming ibinigay sa inyo kundi pati na rin ang buhay namin, dahil napamahal na kayo sa amin. 9Tiyak na natatandaan nʼyo pa, mga kapatid, ang pagsisikap namin noong nasa inyo pa kami. Habang ipinangangaral namin ang Magandang Balita ng Dios, araw-gabi kaming nagtatrabaho para hindi kami maging pabigat sa inyo. 10Saksi namin kayo at ang Dios na ang pakikitungo namin sa inyong mga mananampalataya ay tapat, matuwid at walang kapintasan. 11Alam ninyong katulad ng isang ama sa kanyang mga anak ang turing namin sa bawat isa sa inyo. 12Pinalakas namin ang loob nʼyo, pinayuhan at hinikayat na mamuhay nang karapat-dapat sa Dios na humirang sa inyo para sa kanyang kaharian at kadakilaan.

14/10/2024

1 Tesalonica 2:4-6
4Sa halip, nangangaral kami bilang mga karapat-dapat na katiwala ng Dios ng kanyang Magandang Balita. Ginagawa namin ito hindi para kalugdan kami ng mga tao kundi ng Dios na siyang sumisiyasat sa mga puso namin. 5Alam nʼyo rin na hindi namin kayo dinaan sa matatamis na pananalita sa pangangaral namin at hindi rin kami nangaral para samantalahin kayo. Ang Dios mismo ang saksi namin. 6Hindi namin hinangad ang papuri ninyo o ng sinuman,

10/10/2024

Colosas 2:20-23
20 Namatay na kayo na kasama ni Cristo at hindi na sakop ng mga alituntunin ng mundong ito. Bakit pa kayo sumusunod sa mga alituntuning tulad ng 21 “Huwag hahawak nito,” “Huwag titikim niyan,” “Huwag gagalawin iyon”? 22 Ang mga ito'y utos at katuruan lamang ng tao, at nauukol sa mga bagay na nauubos kapag ginagamit. 23 Sa kaanyuan, para ngang ayon sa karunungan ang ganoong uri ng pagsamba, pagpapakumbaba at pagpapahirap sa sariling katawan. Ngunit ang mga ito ay walang silbi sa pagpigil sa hilig ng laman.

10/10/2024

Colosas 2:8-10
8 Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon kay Cristo. 9 Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo sa kanyang pagiging tao. 10 Kaya't nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng kapangyarihan at pamamahala.

07/10/2024

Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon. 8 Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan at itinuring kong basura, makamtan ko lamang si Cristo 9 at lubos na makipag-isa sa kanya. Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo'y buhat sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya.
FILIPOS 3:7-9

10/09/2024

2 Corinthians 3:2-3

2 You yourselves are our letter of recommendation, written on our[a] hearts, to be known and read by all. 3 And you show that you are a letter from Christ delivered by us, written not with ink but with the Spirit of the living God, not on tablets of stone but on tablets of human hearts.[b]

2 Corinthians 3:17-18

17 Now the Lord[a] is the Spirit, and where the Spirit of the Lord is, there is freedom. 18 And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord,[b] are being transformed into the same image from one degree of glory to another.[c] For this comes from the Lord who is the Spirit.

06/09/2024

We have the victory through our Lord Jesus Christ – which means that our labor in the Lord is not in vain.

And therefore – because of the resurrection – Christian, go live for Christ, go labor for him with passion, zeal, commitment, knowing that whatever is done for him matters and matters eternally.

1 Corinthians 15:51-58

51 Listen, I tell you a mystery: We will not all sleep, but we will all be changed— 52 in a flash, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, the dead will be raised imperishable, and we will be changed. 53 For the perishable must clothe itself with the imperishable, and the mortal with immortality. 54 When the perishable has been clothed with the imperishable, and the mortal with immortality, then the saying that is written will come true: “Death has been swallowed up in victory.”[a]

55 “Where, O death, is your victory?
Where, O death, is your sting?”[b]

56 The sting of death is sin, and the power of sin is the law. 57 But thanks be to God! He gives us the victory through our Lord Jesus Christ.

58 Therefore, my dear brothers and sisters, stand firm. Let nothing move you. Always give yourselves fully to the work of the Lord, because you know that your labor in the Lord is not in vain.

30/08/2024

Because of God's great love for his people, we are to flee from idolatry (1 Corinthians 10:14). Paul helps the reader understand that sin and a lack of faith is rooted in idolatry.

Address

Tarlac

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sari-Sari posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share