Tarlac City Information Office

Tarlac City Information Office Catch the latest news and happenings in the City of Tarlac!

28/05/2025

Working Together for Growth & Progress for a Great Tarlac City!

Simula ng maupo si Mayor Cristy Angeles bilang punong alkalde ng Tarlac City, ay nagmistulang matibay na sandigan na ito ng bawat sektor at dahil sa kanyang mga pananaw para sa komunidad na naghihikayat ng pakikipagtulungan. Patuloy niyang inaangat at binibigyan ng inspirasyon ang bawat isa ng walang takot at sa positibong aspeto ng nagkakaisang kaunlaran.

28/05/2025

Great morning mga Kaisa! Join us here at Kaisa Radyo for more of good news and updates on the programs of Tarlac City Government under the leadership of Mayor Cristy Angeles (May 28, 2025).

28/05/2025

TARLAC CITY: LUMALAKAS NA SENTRO NG NEGOSYO SA LUZON!

Sa puso ng Luzon, ang Tarlac City ay isang umuusbong na sentro ng negosyo at investments. Taun-taon, mahigit 500 bagong negosyo ang naitatala sa lungsod—patunay na malakas ang kumpiyansa ng mga negosyante. Isa ito sa mga may pinakamadaling proseso ng pagnenegosyo, sapat na labor force, maayos na seguridad, at handa sa sakuna—mga prayoridad sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.

Ang kombinasyon ng mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy at ng mga nabanggit na suporta ang dahilan kung bakit nananatiling business-friendly at future-ready ang Tarlac City. At sana, magpatuloy pa ito. Suportahan natin ang mga negosyante, paigtingin ang mga programa, at itaguyod ang isang lungsod na may mas marami pang oportunidad para sa lahat. Dahil sa Tarlac City, hindi lang madaling magsimula ng negosyo—sigurado rin ang paglago at tagumpay.

27/05/2025

Matibay na suporta para sa masaganang ani!! 🌾🫶

Tarlac City Rice Processing Center is here para umagapay sa ating mga magsasaka! Ginanap ang Inauguration at Blessing nito, sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles, ngayong May 27, 2025 sa Brgy. Baras-Baras, Tarlac City. Kasabay nito ang pamimigay ng agricultural interventions para sa mas produktibong pagsasaka!

Shots for Life! 💉 Alis ang bangis ng rabis na maaaring sanhi ng kagat o kalmot ng a*o o pusa sa treatment na hatid ng  A...
27/05/2025

Shots for Life! 💉

Alis ang bangis ng rabis na maaaring sanhi ng kagat o kalmot ng a*o o pusa sa treatment na hatid ng Angel Care Animal Bite Treatment Center sa inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles na mapigilan ang malubhang sakit na posibleng maging banta sa buhay ng mga residente ng lungsod, parte ng 24-in-1 Angel Care Program. 150 na pasyente ang nabakunahan nang libre ngayong May 27, 2025.



Big congrats, Triza Hailey Ana Tabamo!You did it, girl! Silver medalist sa 4x50 Medley Relay (Swimming- Secondary Girls)...
27/05/2025

Big congrats, Triza Hailey Ana Tabamo!

You did it, girl! Silver medalist sa 4x50 Medley Relay (Swimming- Secondary Girls) sa Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte — ang lupet mo!

Your hard work, hustle, and heart really paid off.
Tuloy lang sa paglangoy papunta sa pangarap — we’re all so proud of you!



ctto DepEd Tayo Tarlac City Schools Division FB

ADVISORY FROM TARLAC ELECTRIC, INC. (TEI) 👇🏻👇🏻👇🏻Please check photos for details. Follow Tarlac City Information Official...
27/05/2025

ADVISORY FROM TARLAC ELECTRIC, INC. (TEI) 👇🏻👇🏻👇🏻

Please check photos for details. Follow Tarlac City Information Official page for more upcoming advisories on power interruptions in the city.

Source: Tarlac Electric, Inc. (TEI) Page



Totohanang matatag na serbisyong publiko, para sa Tarlakenyong asensado!Sa ilalim ng liderato ni Mayor Cristy Angeles, a...
27/05/2025

Totohanang matatag na serbisyong publiko, para sa Tarlakenyong asensado!

Sa ilalim ng liderato ni Mayor Cristy Angeles, ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac ay patuloy na nagbibigay prayoridad sa mga proyektong pang-imprastraktura upang mapabuti ang serbisyo publiko at tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Isa sa mga proyektong ito ay ang Improvement of Multipurpose Hall & Building sa Brgy. Maligaya at San Miguel, Tarlac City, na mula sa General Fund (GF 2024).

Ang mga Multipurpose Hall/Buildings na ito sa Barangay Maligaya at San Miguel ay magsisilbing sentro ng mga aktibidad pangkomunidad, tulad ng mga pagpupulong, seminar, at mga programang pang serbisyo. Magbibigay din ito ng espasyo para sa mga okasyon at pagdiriwang, tulad ng mga kaarawan at kasalan. Bukod dito, ang mga imprastraktura na ito ay maaaring gamitin bilang evacuation center sa panahon ng kalamidad.



Game time na naman sa Angels Cup Super Liga Inter-Commercial, Volleyball Edition 🏐 Tara na sa Tarlac City Gymnatorium at...
27/05/2025

Game time na naman sa Angels Cup Super Liga Inter-Commercial, Volleyball Edition 🏐

Tara na sa Tarlac City Gymnatorium at suportahan ang mga pambatong teams sa Women’s at Men’s Categories. Serving skill, talent, and passion, ready nang magpakitang gilas ang bawat kuponan!

WOMEN’S CATEGORY
🕔 5:00 PM – Sapang Maragul vs. Blockbashers
🕕 6:00 PM – Kaisa Angels vs. Angat Capas

MEN’S CATEGORY
🕖 7:00 PM – TSU Alumni vs. Gerona Alab
🕗 8:00 PM – San Vicente vs. Gerona Alas

See you, Tarlaqueños!

Maraming Salamat MAYOR CRISTY ANGELESsa mga proyekto at serbisyo sa BRGY. CULIPAT2017 Pagsasaayos ng Multipurpose Buildi...
27/05/2025

Maraming Salamat MAYOR CRISTY ANGELES
sa mga proyekto at serbisyo sa BRGY. CULIPAT

2017
Pagsasaayos ng Multipurpose Building (Zone 6)

2018
Pagpapagawa ng Barangay Health Station (Zone 6)
Mitshubishi L300

2019-2
Pagpapagawa ng Multi-Purpose Facility at Culipat Elementary School
Pagpapagawa ng Multi-Purpose Hall (Zone 6)

2020
Pagpapagawa ng Multi-Purpose Hall (Zone 6)
Pagsasaayos ng Multi-Purpose Building (Zone 6)
2021 Pagpapasemento ng Lokal na Daan (Zone 1)
Pagsasaayos ng Multi-Purpose Hall (Zone 6)

2022
Pagpapasemento at Rehabilitasyon ng Lokal na Daan (Zone 6)
Pagpapasemento at Rehabilitasyon ng Lokal na Daan
Pagpapagawa/Rehabilitasyon ng Bypass Road (Culipat - Calingcuan)

2023
Pagsasaayos ng Multi-Purpose Hall

2024
Pagpapasemento ng Farm-to-Market Road

ANGEL CARE PROGRAM
Angel Care Pharmacy - 349
• Anti-Rabies Vaccination (Dogs) - 114
• Blood Typing
• Free Medical Check Up - 195
•Angel Cut Operation Tuli - 91
• Covid-19 Vaccination
•Antigen
• Dental Services - 49
• Late Birth Registration - 10
• Dialysis Center
• City Legal Office - 6
• Kasalang Barangay
• Anti-Rabies Vaccination (Cats) - 23
• Animal Bite Treatment Center - 391

Todo asenso, Tarlakenyo
Tatak Angeles yan!

FOR INFORMATION, PLEASE CONTACT TARLAC CITY INFORMATION OFFICE
FACEBOOK PAGE OR CALL (045) 809-0111

Address

Tarlac

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5am
Saturday 6am - 11:45pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tarlac City Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tarlac City Information Office:

Share