26/08/2026
SEN. JINGGOY ESTRADA, NAGTUNGO SA OSPITAL MATAPOS BUMIGAY ANG TUHOD
Isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si Senator Jinggoy Estrada ngayong Miyerkules, August 26, matapos umanong matumba habang naghahanda para sa kanyang nakatakdang medical check-up.
Ayon sa kanyang kampo, biglang bumigay ang kanyang kaliwang tuhod, dahilan upang siya ay matumba.
Nakatakda sana siyang sumailalim sa knee X-ray sa naturang ospital.