11/08/2025
Hindi Dapat Katakutan ang Credit Card! ๐ณ
Kung isa ka sa mga takot gumamit ng credit card, baka makatulong ito. Ang mahalaga, alam mo kung paano ito gamitin nang tama. ๐
1. Pondo sa Panahon ng Emergency
Ang credit limit sa iyong credit card ay hindi pera na pwede mong gastusin sa luho, pero pwede mo itong gamitin bilang emergency fund. Halimbawa, sa mga biglaang gastos tulad ng hospital bills o gamot, malaking tulong ang credit card para hindi maubos ang cash mo. Tandaan, gamitin lang ito para sa totoong emergency.
2. Smart Spending at Delayed Payment
Pagdating sa mga basic needs katulad ng grocery, gatas ni baby, etc. gamitin ang credit card sa halip na cash. Sa ganitong paraan, mas maidedelay mo ang pagbayad at may pagkakataon ka pang makakuha ng rewards points. Sa tuwing gagamitin mo ang card, gumaganda rin ang iyong credit score, na mahalaga sa hinaharap. Siguraduhin lang na may nakatabi ka nang pambayad para sa nagastos mo.
3. Puhunan para sa Negosyo
Kung may negosyo ka, puwedeng gamitin ang credit card bilang puhunan. Sa ganitong paraan, ang iyong cash ay pwede mo pang magamit sa ibang investments o sa pang-araw-araw na gastos ng iyong negosyo.
4. Zero-Interest Installment
Kung may planong bumili ng mga mamahaling gamit tulad ng gadget, mas magandang option ang credit card kaysa sa ibang installment plans na may mataas na interest at iba pang charges. Sa credit card, madalas kang makakakita ng mga zero-interest installment plans mula 3 hanggang 24 months, at minsan ay may kasama pang discount o promo.
5. Perks, Promos, at Iba Pang Benepisyo
Maraming benepisyo ang paggamit ng credit card. Halimbawa, may mga exclusive discounts sa mga restaurant, airfare, at iba pang partner establishments. Mayroon ding cashback, libreng paggamit ng VIP lounge sa airport, at marami pang iba.
PAALALA!
Ang paggamit ng credit card ay hindi para itaas ang iyong lifestyle, kundi para maging mas madali at mas matalino ang iyong paggastos. Marami pang ibang benpisyo ang Credit card, basta gamitin ito nang may disiplina at tamang mindset. Laging tatandaan, hindi mo pera ang credit limit ng iyong credit card.