20/08/2025
๐๐๐๐๐๐| ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ, ๐ฑ๐ถ๐๐ธ๐๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฅ๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ผ๐ฟ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ข๐๐ฑ; ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐๐๐, ๐๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐น๐น ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ
Opisyal na sinalubong ng College of Education - Student Council (COEd-SC) ang mga bagong mag-aaral sa natatanging freshmen assembly na dinaluhan ng ibaโt ibang programa at medyor ng kolehiyo na ginanap sa Tarlac Hall Convention Center nitong Agosto 19.
Sa pamumuno ni COEd Governor Orlando Maniti, pinangunahan ng mga opisyal ng student council, ang pagbubukas ng naturang programa na may temang โHatch: Cracking the Code, Igniting the Golden Flight".
Tinalakay dito ang mga plano, adhikain, at polisiya para sa taong panuruan 2025โ2026, kabilang sa talakayan ang presentasyon ng bawat organisasyon at publikasyon ng kolehiyo,na naging daan upang ibinahagi nila ang kanilang mandato ngayong taon.
Isa sa pangunahing paksa sa programa ay ang College Retention Examination (CRE) alinsunod sa Board of Regents (BOR) Resolution No. 25, s. 2020.
Ipinaliwanag ni Gng. Melody P. Sapad ang mga kinakailangang grado at kwalipikasyon para sa General Education, Professional Education, at Specialization.
Ayon kay Bb. Sapad, ang mga mag-aaral na magiging ikalawa at ikatlong taon ay may dalawang pagkakataon upang maipasa ang CRE. Kung mabigo sa una at ikalawang pagkakataon, maaari itong magresulta sa pagkatanggal sa kolehiyo.
Para naman sa mga mag-aaral sa ikaapat na taon, pinapayagan din sila hanggang dalawang beses, ngunit kung hindi makapasa ay isasailalim sila sa intervention program, na maaaring magdulot ng pagkaantala naman sa enrollment.
Samantala, nagbahagi ng iba't ibang tips at mentoring hinggil sa Good Study Habits si dating COEd Gov. na si Joseph B. Visda.
โYou should know what works best for you, dahil hindi lahat ng bagay ay magwo-work saโyo," wika ni Visda.
Bilang bahagi rin ng programa, iminodelo ng bawat major ang kani-kanilang uniporme mula ibaโt ibang organisasyon at publikasyon ng kolehiyo upang higit na makilala ng mga mag-aaral ang kanilang mga org.
Sa huli, itinanghal na wagi sa yell competition ang Mag-aaral ng Heograpiya, Antropolohiya, Relihiyon, Lipunan, at Kasaysayan (MAHARLIKA) matapos silang makaani nang 98.67% na iskor.
Samantala, nakamit ng League of Prospective English Educators (LPEE) ang ikalawang pwesto, habang pumangatlo ang Association of Early Childhood Educators (AECE) sa nasabing kompetisyon.
______
๐๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐๐๐ ๐๐ง ๐๐๐ง๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐
๐
๐ซ๐จ๐ฆ ๐๐ง๐, ๐๐๐๐ซ๐ง ๐๐ฅ๐ฅ