02/12/2025
Signs na Pagod na Pagod Na ang Katawan (At Kailangan Mo Na ng Massage)
1. Naninigas na batok at balikat
Kapag matagal kang naka-computer o stressed, dito unang nag-iipon ang tension. Ito rin ang pinakakaraniwang dahilan kaya nagpapa-massage ang tao.
2. Sumasakit ang likod kahit wala namang mabigat na ginawa
Ibig sabihin overworked na ang spine muscles mo. Kailangan i-relax at i-release ang muscle knots.
3. Madalas na pagkahilo o feeling “lutang”
Kapag pagod ang katawan, naapektuhan ang blood circulation—nagiging lightheaded ka.
4. Mabigat ang ulo / parang may pressure sa ulo
Muscle tension headache ito. Galing sa sobrang stress at puyat.
5. Hirap makatulog kahit pagod
Sign na overstimulated ang nervous system mo. Massage helps activate relaxation mode (parasympathetic system).
6. Masama ang mood at madaling mainis
Ibig sabihin mababa na ang serotonin at dopamine — ang hormones na nagpapa-relax. Massage helps boost these.
7. Sakit ng binti at paa kahit kaunti lang nilakad
Namamaga o congested ang circulation. Massage improves blood and lymph flow.
8. Mabigat ang dibdib o hirap huminga nang malalim
Stress can tighten chest and diaphragm muscles. Massage + breathwork helps you breathe easier.
9. Madalas sumakit ang tiyan o walang ganang kumain
Stress affects digestion. Massage can help relax the GI system.
10. Feeling mo “wala ka sa sarili” o laging drained
Ito na ang pinakakurba ng burnout. Ang katawan mo humihingi na ng pahinga at recovery.